celeb

Isabel Oli opens up about coping with her dad's death

by Allan Sancon posted on June 25, 2012  STATS: 10437 Views | 0 Comments

One of the people who gave Isabel Oli words of encouragement was Iza Calzado, who lost her dad to liver cancer last November 11, 2012.

Photo By: Allan Sancon

Hinding-hindi makakalimutan ni Isabel Oli ang Hunyo 21, 2012.

Nasa kalagitnaan siya ng taping para sa Faithfully nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid, na nagbalitang kritikal ang kondisyon ng kanilang ama.

Dali-daling pumunta sa ospital si Isabel, ngunit noong araw ding iyon pumanaw ang kanyang ama na si Jorge Tan So.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel sa ikalawang gabi ng urn viewing, bakas sa mukha ng dalaga ang kalungkutan.

Aniya, “Medyo okay na medyo hindi, kasi, nami-miss ko pa rin ang daddy ko.”

Kahilingan daw ng kanyang ama na i-cremate siya kapag binawian na siya ng buhay.

"Yun ang gusto niya, yun ang napag-usapan nila ng mom ko dati pa, noong okay pa siya. Siyempre, nag uusap sila kung paano... yun ang bilin niya sa mommy ko."

Ang kanyang Daddy rin daw ang pumili ng lugar kung isasaboy ang abo nito.

Noong June 23, "Five a.m., pupunta kami Subic, sa beach... Isasaboy namin sa dagat yung ash ng Daddy ko. Kasi yun ang gusto ng daddy ko.”

Ano ba ang ikinamatay ng kanyang ama?

“Hindi nga nila masabi rin, e, kung ano ang talagang nangyari. Kasi meron na talaga siyang sakit na cerebral degeneration for four years na, yung sakit na yun, wala pa daw talagang cure till now.

"Kung ano ang symptoms, di rin namin nakikita at di rin namin alam kung saan nanggaling. Sabi lang nila, baka na-expose sa toxic ang father ko kasi utak ang tama ng sakit na yun, e.”

“Wala rin kaming nakikitang  pain mula sa kanya, basta bigla na lang hindi nagpa-function ang ilang sistema niya sa katawan. For example, hindi na lang siya bigla makakasulat. Sumunod din na hindi na rin siya makalakad, tapos yung dumating nga sa point na bigla na lang rin siyang nagkaroon ng critical comatose for eleven months before it happened.”

STILL HARD TO LET GO. Pero kahit matagal na naratay sa karamdaman ang kanyang ama, hindi pa rin daw madaling tanggapin ang pagkawala nito.

“Halos labing-isang buwang coma ang aking daddy na nasa bahay lang at  may nurse na nag-aalaga.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About