celeb

Edgar Allan Guzman says indie films opened the door to his success

by Joyce Jimenez posted on July 11, 2012  STATS: 1685 Views | 0 Comments

Edgar Allan Guzman believes that independent films are a “stepping stone, kumbaga aminado naman tayo na maraming mga artista o mga aktor na sinusubukan ang indie film para mapansin sila or mapansin ‘yong talent nila sa pag-arte.”

Photo By: Noel Orsal

Matagal na rin sa showbiz si Edgar Allan Guzman.

Nagsimula siya sa showbiz nang manalo siya sa contest na "Mr. Pogi" ng noontime variety show Eat Bulaga! noong 2006.

Ang pinakaunang teleserye niya sa telebisyon ay ang Makita Ka Lang Muli (2006). Nakasama niya rito sina Oyo Sotto, na kasama na niya ngayon sa TV5, at si LJ Reyes.

Isang taon din siyang nakasama sa Daisy Siete (2007-2008) na pinagbibidahan ng Sexbomb Girls.

Ilang supporting roles na rin ang ginawa niya sa mga pelikula, tulad ng I.T.A.L.Y. (2008) at  Scaregivers (2008).

Unti-unting mas napansin si Edgar Allan nang lumipat siya sa TV5, at sinabayan pa ito nang mag-lead role siya sa independent film na Ligo na U, Lapit na Me (2011).

Ang indie film na ito’y sinundan ng isang primetime drama series na Sa Ngalan ng Ina (2011), kung saan nakasama niya si Nora Aunor, na matagal nang pinapangarap ng aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan noong Hulyo 2, sa press launch ng YES! Magazine 2012 100 Most Beautiful Stars, na ginanap sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Isa si Edgar sa nasa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ngayong taon, at lubos ang kanyang pasasalamat sa kanyang “Eat Bulaga! family na nagbukas ng oportunidad para sa akin.”

STEPPING STONE. Bukod sa programang naglunsad sa kanya bilang isang artista, isa pang pinasasalamatan ni Edgar ang training niya sa independent film na Ligo na U, Lapit na Me.

Aminado ang aktor na nailabas nito ang kanyang talento sa pag-arte, na agad namang napansin ng kanyang home network.

Ani Edgar Allan, “Kasi sa paggawa ko ng indie, dito nagbukas lahat ng pinto ng opportunities sa akin, e.

“Like sa TV5, mas nabigyan ako ng maraming trabaho, ‘yong inaasam kong teleserye tuwing gabi nabigyan ako, na dati pangarap ko lang, ‘tapos napansin din ako ng Regal [Entertainment] ‘yong kay Mother Lily [Monteverde], ‘tapos ngayon magta-teatro ako.

“So, sobrang laki ng nagawa sa akin ng pagi-indie film ko, paggawa ko ng indie films, nagbukas siya ng maraming pintuan ng opportunities para magawa o makuha ko ang mga pangarap ko sa buhay.”

Hindi lamang si Edgar Allan ang unang aktor na binigyan oportunidad ng paggawa ng independent films.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About