celeb

Jose Manalo and Wally Bayola now "certified concert artists"; fill the Big Dome to the rafters

by Erwin Santiago posted on July 24, 2012  STATS: 4161 Views | 224 Comments

 

Dabarkads Jose Manalo and Wally Bayola staged a very successful concert last night, March 2, at the Smart-Araneta Coliseum.

Photo By: Melo Balingit

"Certified concert artists."

Ito ang titulong iginawad kina Jose Manalo at Wally Bayola matapos nilang mapuno ang Smart-Araneta Coliseum kagabi, March 2, para sa kauna-unahan nilang major concert—ang Jose And Wally Show: A Party For Juan And All.

 

Paboritong venue ang Big Dome ng pinakamalalaking concerts sa Pilipinas—mapa-local man o foreign artists.

Pero dinaig pa nina Jose at Wally ang ilan sa malalaking pangalan sa music industry sa dami ng taong dumagsa sa Araneta Coliseum kagabi.

Punumpuno ang loob ng Big Dome mula Patron hanggang sa Bleachers sections. Naging SRO din ang venue dahil napakarami ng mga taong nakuntento na lang tumayo dahil wala nang silyang maupuan.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na soldout ang lahat ng tickets. Pero sa dami pa ng mga taong gustong manood ng concert ay naglabas sila ng karagdagang tickets—yun nga lang ay hindi siguradong makakaupo sila.

Hindi naman binigo ng dynamic comic duo ang pulu-pulutong ng mga taong nanood sa kanila dahil napuno rin ng tawanan at kasiyahan ang kanilang concert.

CONCERT PERFORMERS. Sinimulan nina Jose at Wally ang kanilang concert sa pamamagitan ng medley ng mga awiting "Ang Tipo Kong Lalake," "I'm Sexy And I Know It," at "I'm Too Sexy."

Sinundan nila ito ng isa pang fast number, "Time of My Life"/"Tayo'y Magsayawan"/"Party Rock Anthem" medley, kung saan 'sangkaterbang batang dancers ang pumalibot sa Patron section ng Big Dome, kasama ang sexy actress-singer na si Solenn Heussaff.

Sa isang bahagi ng programa ay ipinamalas naman nina Jose at Wally ang kanilang talento sa pagsayaw.

Sa kaso ni Wally ay nakipag-showdown siya kay Ciara Sotto sa pole dancing cum buwis-buhay dance number nila.

Habang bumibitin si Ciara sa pole ay hinahagis-hagis naman sa ere si Wally.

Hindi rin naman nagpahuli si Jose na nagpakitang-gilas sa kanyang Michael Jackson dance moves.

Bukod sa kanilang husay sa pagkanta at pagsayaw, hindi siyempre mawawala sa programa ang talagang forte ng dalawa—ang pagpapatawa.

Sumakit ang tiyan ng marami sa kakatawa dahil sa kanilang kakaibang version ng "Anak" ni Freddie Aguilar.  

Habang iniisa-isa ni Jose ang lyrics ng kanta ay ini-interpret naman ito ni Wally sa pamamagitan ng pagmumuwestra ng mga salitang nasa lyrics.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

224 Comments

  • 224  mrpogiako

    03/17/2012 | 09:25 AM
    If I know ABS-CBN ang may pakana sa paglabas ng dating dyowa ni Jose.. lumang issue na iyan at matatalino na ang mga manonood. Ang importante nakakapagbigay sila ng saya at sulit na sulit talaga ang ibinayad ko sa Araneta para lang manood ng concert nila. Talagang wagi na naman si BOSSING.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  yobuchi

    03/14/2012 | 01:33 PM
    congrats.... jose wally kayo na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  maldito

    03/08/2012 | 10:45 AM
    may BIGAMY case pala na-file ng mrs. ni Jose laban sa kanya. pati ang anak niya may binitiwang masasakit na salita. shocking!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  Joseth

    03/06/2012 | 01:41 PM
    CONGRATZ JOWA, MORE MORE CONCERT PA. HE HE HE. BAKIT GANUN? GUSTO AGAD E PA PIRATE NG MGA KAPAMILYA FANS AT GUMAWA NG MOVIE SA STAR CINEMA SINA JOSE AT WALLY? BAKIT GANUN? PAG MAY BIGLANG SUMISIKAT SA KAPUSO GUSTO AGAD HARBATIN NG KABILANG ISTASYON AT NAKAABANG AGAD. PARANG ANG TAWAG DON EH GANID, AT SUGAPA. SANA LANG HINDI MA PIRATE ANG DALWANG ITO AT LUMIPAT SA ITS SHHOOOKLAAA TIME. HE HE HE. DREAM DREAM DREAM.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  ivanlouise

    03/06/2012 | 01:43 AM
    Heard so much of this very huge success! Congratulations. You two guys are so talented. Looking forward in seeing you - March 31 Eat Bulaga in SFO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  winklebee

    03/05/2012 | 11:53 PM
    infairness maappeal si jose... sana maipalabas na ang concert nina jose at wally sa gma.. sobrang inaabangan ko tlga ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  cocodhe

    03/05/2012 | 05:31 PM
    para sa mga nagtatangol kay jose..mabuhay kau...mas marami talagang nagmamahal kay jose kesa sa mga humuhusga sa kanya..un iba kc hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sila kay jose eh hindi nmn nila kilala ng personal si jose..naku! kung naging kapitbahay nyo sya sa tondo malamang ipagtatanggol nyo rin si jose...mabuhay ang JOWA! Forever Eat Bulaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  sk8r_boi

    03/05/2012 | 05:04 PM
    kaya hindi pumayag ang ambisyosa na magkaron ng Part 2 ung concert nya dahil alam nya sa sarili nya na FLOP talaga ang concert nya. depende na lang kung mamimigay ulit ng mga libreng tickets. hahaha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  raian13

    03/05/2012 | 11:36 AM
    pustahan kahitmay part 2 tong concert na ito, sold out pa rin! subukan kaya ng iba na mag major concert part 2 at nang magkaalaman na hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  paraquepa

    03/05/2012 | 10:32 AM
    Eat Bulaga lang pinapanood namin sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  JokoNazMan

    03/05/2012 | 08:48 AM
    Congrats new idols Wally and Jose! Pinas really got so many talents na pang world class. Let's be proud for being pinoy, kapamilya man, kapatid, kapuso, kabagang, katuhod, kafederasyon atbpa... Iwan na natin ang crab mentality. mabuhay ang talentong pinoy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  JokoNazMan

    03/05/2012 | 08:47 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  steelwings

    03/05/2012 | 07:25 AM
    Anne Curtis, namigay ng tickets, Jose Wally, SOLD OUT ang tikets! yan ang TUNAY na dinagsa! hindi hakot! at hindi namimigay ng mga tikets!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  epw1223

    03/05/2012 | 05:51 AM
    wow dreams do come true...esp for those who deserve it! congrats to both of you! hope the success won't get into your heads. so proud of you two! keep up the good work and always dedicate everything to the Lord. God bless you and more power!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  simplydbest

    03/05/2012 | 04:59 AM
    congrats jowa kayo na ang certified concert artists heard na sla nagyon ang may hawak ng record holder na most sold out tickets sa araneta iba talaga ang hatak nla sa tao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  Kapampanguso77

    03/05/2012 | 03:26 AM
    hahahahaha, o ayan mesteryosa-blue, sinabon ka tuloy! pminsan minsan kasi hanapin mo ung sanga, puno at ugat ng malaman mo ung pinagmulan at hindi ung bato ka lng ng bato sa bunga!! paminsan minsan kasi mg iodized salt ka pra gumana naman khit papano utak mo! or mgsolmux ka pra mailuwa mo ung tmbak na plema sa utak mo. ayan tuloy nasabon ka ng bonggang bongga! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  Kapampanguso77

    03/05/2012 | 03:22 AM
    hahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  gdebuen

    03/05/2012 | 02:50 AM
    congratulations.....for the succesful conert.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  shellphone

    03/05/2012 | 02:30 AM
    nag paaral i mean.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  shellphone

    03/05/2012 | 02:29 AM
    at mesteryosa_blue eh ano naman kung totoong iniwan ni Jose ang wife nya para sa ibang babae. for your info si JOse lang naman ang nag aaral sa wife nya kahit hindi nakatapos si Jose. At for your info uli yung wife na ang nakagawa ng kaso kaya nga nawala si Jose sa EB dahil dyan. Buti na lang nagkaron ng Juan for All. Kung ganyan naman ang wife mo eh dapat mo ngang iwanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About