celeb

Aiko Melendez confirms dismissal of libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses

by Glen P. Sibonga posted on September 18, 2012  STATS: 2292 Views | 4 Comments

April 2011 nang sampahan ng kasong libelo si Aiko Melendez nina Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque dahil sa diumano'y mapanirang komento ng aktres sa Twitter tungkol sa gender ng dalawang alkalde. Halos isang taon ang nakalipas ay na-dismiss na nga ito.

 

 

Photo By: Noel Orsal

Kinumpirma mismo ni Aiko Melendez ang pagkaka-dismiss ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng dating boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa panayam sa kanya ng Paparazzi Showbiz Exposed na napanood sa TV5 kahapon, Marso 3.

Ayon kay Aiko, "Kasi nag-motion to transfer kami from Bulacan to DOJ [Department of Justice]. And then we got a resolution that the case was dismissed noong November pa.

"Kaya lang hindi pa namin nakukuha yung copy ng resolution na yun kaya we'll be back on the 14th [March] to finalize everything."

April 2011 nang sampahan ng kasong libelo si Aiko nina Mayor Meneses at Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque dahil sa diumano'y mapanirang komento ng aktres sa Twitter tungkol sa gender ng dalawang alkalde.

Halos isang taon ang nakalipas ay na-dismiss na nga ito.

Happy naman si Aiko sa pagkaka-dismiss ng kaso.

"Sana tuluy-tuloy na. And I've always said this naman na dito sa kasong ito wala naman yung talo e, kung sino yung nagsasabi ng totoo.

"Ang mabuti dito is yung parehong party ay matutuunan na namin ng pansin yung dapat naming pagtuunan ng pansin."

Pagdidiin pa ng ngayo'y Kapatid actress, "Aminin man natin o hindi, sobrang hassle at perhuwisyo ng oras yung pagpunta kung saan-saang korte.

"And sina Mayor Patrick at Mayor Roque ay mga busy na tao rin.

"Mag-eeleksyon na and lahat kami magiging busy na. Sana e talagang matapos na lahat ito."

Sa ngayon umaasa si Aiko na tuluyan nang maaayos ang gusot sa pagitan nila ni Patrick katulad din ng nangyari sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Jomari Yllana at Martin Jickain, na parehong kaibigan na niya ngayon.

SECOND LOVE WITH JOMARI? Ngayong single na ulit si Aiko, hudyat na ba ito para muling bumalik ang pagmamahalan nila ni Jomari, ang ama ng panganay niyang si Andrei?

Is love is lovelier the second time around?

"Para sa amin ni Jom, second lang ba o third, hindi ko... I don't know.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

4 Comments

  • netadix

    09/19/2012 | 12:40 PM
    Is that botox, Aiko?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    03/04/2012 | 06:25 PM
    sana nga sila na uli...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    03/04/2012 | 04:29 PM
    sana nga ano sila pa rin pala ni jomari in the end eh di happy ever after sana..mas bagay sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tor1mas

    03/04/2012 | 11:44 AM
    kaya sa susunod, think before you click aiko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About