Kris Aquino's eldest, Josh, will celebrate his 11th birthday on June 4. As a birthday gift, Kris will bring Joshua to Bangkok, Thailand—without Baby James. Photo: YES! (Josh) & Emerson Sy (Kris)


Inamin ni Kris Aquino na nararamdaman na niya ang "pagseselos" ng panganay na anak na si Joshua sa kapatid nitong si Baby James. Simula raw kasi noong lumabas ng ospital sina Kris at Baby James nung April 29, nito na lamang mga nakaraang araw tinignan ni Joshua ang nakababatang kapatid.

 

Si Josh ay anak ni Kris sa action star na si Phillip Salvador, samantalang si Baby James naman ay anak niya sa kanyang asawa na si James Yap.



Sa June 4 ay 11th birthday ni Joshua. Naka-commit na raw si Kris kay Joshua na pupunta sila sa Bangkok, Thailand, sa kanyang birthday. Sila lang daw ni Joshua ang aalis para hindi naman ma-feel ng bagets na lahat ng atensyon ni Kris ngayon ay na kay Baby James lang.



On Joshua's birthday, magsisimula na rin sa ere ang pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal, ang game show na hinu-host ni Kris. So, ibig sabihin, magsisimula nang mag-taping si Kris para sa naturang game show sa last week of May.