Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng daily kiddie game show ni Eugene Domingo sa GMA-7 na Wachamakulit: 'Wag Matakot! Makibata! noong Lunes, June 7, sa GMA Network Center.
HIGHEST-PAID ACTRESS? During the press visit to her show ay naitanong ng PEP kay Uge (palayaw ni Eugene) ang balitang lumabas na diumano'y siya na raw ang highest-paid actress ngayon. Mabilis naman itong itinanggi ng comedienne.
"Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan. Wish ko lang!" natatawang sabi niya. "Baka kapag pinagsama-sama lahat ng talent fees ko, baka puwede pa, kapag-in-add-add na lahat. Pero hindi yung isahang bagsak."
Nang malaman niyang may gano'ng isyu sa kanya, ano ang naging reaksiyon niya?
"Ngayong narinig ko, e, hindi nga totoo yun. Alam kong hindi totoo 'yan. Kapag in-add-add nga, pagtatrabahuhan ko araw-araw!" natatawa pa rin niyang sabi.
May nagsabi naman na marami na raw siguro siyang ipon at mayaman na siya.
"Hindi rin," nakangiting sabi ni Uge. "Sa sipag ko ba naman na ito, kapag hindi pa naman ako nakaipon, ewan ko na lang! Hindi naman ako nagsusugal. Wala naman akong drugs!"
Naging malaking hit ang last movie ni Uge na Here Comes the Bride (with Angelica Panganiban, John "Sweet" Lapus, among others) at kung magtutuluy-tuloy ang maging outcome ng mga susunod niyang pelikula, hindi imposibleng siya ang tanghaling Box-Office Queen next year. Ano ang masasabi niya rito?
"Hindi ko alam ang Box-Office Queen. Basta ang alam ko, ang mga pelikulang ginagawa ko, sinusuwerte, pinapasok," sabi niya.
Kasalukuyan niyang sinu-shoot ang Mamarazzi, ang 50th Regal anniversary offering ng Regal Films, intended for release in August.
MOVIE WITH SARAH. Sinabi rin ni Uge na isa sa wish niya ay ang makasama naman sa isang movie project si Sarah Geronimo, na siyang itinanghal na Box-Office Queen ng 2009. Kaya biro namin sa kanya, mukhang may plano na siyang yanigin ang box-office record sa pagsasama nilang dalawa?
"Parang gusto ko talaga siyang makasama. Kasi, parang ang charming niya sa screen, e. Alam n'yo, ako ngayon, I am not competitive, e. Mas committed ako. Mas nag-e-enjoy ako sa collaboration. Mas gusto ko ang team-up. Yun ang kailangan ng mga pelikula natin. Pagsamahin si ganito, fresh! Pagsamahin si ganito, fresh! Para makatulong ka sa pelikula.
"Parang uso pa ba ngayon na pelikula ni ganito, pelikula ni ganyan? Parang mag-pair tayo nang bongga-bongga. Bukod sa box-office hits, mas iniisip ko yung baka may materyal na mas bongga. Baka puwede kaming mag-ina since pareho naman kaming morena, hindi naman kami mga mestiza," sabi ni Uge.
WORKING WITH KIDS. First time naman para kay Eugene na maging host ng isang kiddie game show gaya nga ng Wachamakulit, pero napakabilis ng naging sagot niya nang tanungin namin kung nag-e-enjoy ba siya hosting the show, na nakaka-one season na sa ere, kasama ng mga bata




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 simple_set
24 simple_set
23 eugenelibresspears
22 Pclaudine03
21 ichigo510
anyway, wag ganyan kabayan pare-pareho tayo mga pilipino. matuwa nalang tayo kung isa sa mga kababayan natin umuunlad. tanggalin na iyang crab mentality. di uunlad ang bansa natin dahil sa ganyang pag uugali. kapuso man or kapamilya, kapatid, dapat tayo matuwa.
tigilan na ang network war. lets support every channel.
20 abscbnkapamilya
And may trivia ako, alam nyo ba na ang TF ni Vice Ganda per day sa Showtime ay 250,000.. Kaya pala ang ARTISTA ng ABS-CBN ay nagkakabahay na while yung kabila eh wala pa rin kahit maraming shows.. hahahaha!
19 lanalang08
18 donsgraf
17 KandM
16 geethreeg3
Nyeh hanggang dito may anti-angel comments. Sikat pa rin talaga si Angel!
15 loveisinthesky
14 maldheeta_ako
super bitter talaga....
13 CastielNica
12 puzzanicornicsnio
ang galing mo talaga!
11 jhoda
10 iqpc
9 krisroxas95
8 shantina
7 KandM
sino naman ang highest paid actress sa mga generation ngayon?
6 godofredo_batungbakal
more comments