"Lahat ng mga tao, sinasabi sa akin, nakakaiyak naman ang mga sinasabi ng mama ko sa pagpapakasal ko. Pero this is a way for me to love her more definitely. Ngayon ko na mararanasan kung anong klaseng paghihirap yung napapagdaanan niya noon sa pagpapalaki sa amin, kung magkakaanak na ako eventually, o sa mismong pag-aasawa na lang," says Ciara Sotto about her mother Helen Gamboa.
Bride-to-be Ciara Sotto says marriage is one way to love her mom even more
Monday, January 11, 2010
08:13 PM
Rating
Sa susunod na Linggo, January 17, ikakasal na si Ciara Sotto sa longtime boyfriend niyang si Joe Oconer sa Manila Polo Club. Namataan sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, January 10, sa premiere ng pelikulang SpEd Hearts sa Gateway Mall. Tampok sa naturang pelikula si Ciara bilang isang Special Education teacher.
Ayon kay Ciara, tungkol sa kanyang role sa pelikula, "Hindi ako nahirapang makihalubilo sa mga ganoong klaseng estudyante dahil nagkaroon ako ng chance na makapagturo noon sa OB Montessori. Mahilig ako sa mga bata. Parang kaedad ko lang sila. Close to my heart ang role ko sa movie.
"Nakakatulong ka rin sa pagiging aware ng mga tao through this movie, na kailangang maging mapagpasensiya tayo sa mga gaya nila. Intindihin natin sila na parang mga normal pa rin. Kailangang maging disiplinado ako at normal pa rin kahit na may mga problema, kahit nahihirapan ako sa behavior ng mga bata. Yun ang challenge ng role, and the most difficult part of it."
Maganda nga ang pinagdaanang ito ni Ciara in preparation for marriage.
"I think so!" natatawang sabi niya. "Good training talaga, mula pa noon sa school. Sa bahay rin namin, marami talagang kids. Yung mga pamangkin ko, inaalagaan ko.
Dagdag niya, "Exciting ang pagpapakasal. Pero na-realize ko, gaano man katagal ang preparation at pagpaplano, may mga nakakalimutan pa rin, may konting stress palagi. Thankful lang ako that my family is with me. Big help talaga sila. Nakakakaba lang dahil marami pang maliliit na detalyeng dapat pagtuunan din ng pansin para sa wedding."
In full support palagi ang pamilya ni Ciara, pati na sa surprise ng Eat Bulaga! sa kanya last Saturday, January 9.
"I can't get over it," aniya. "Nagpapasalamat ako na may pamilya akong ganyan, bukod pa sa mga kaibigan na hindi ako iniiwan kahit ano pa ang mangyari."
MAMA'S LITTLE DARLING. Sobrang pag-iyak na nga ng ina niyang si Helen Gamboa dahil sa pagpapakasal niya.
"Happy naman siya na magpapakasal na ako, pero painful sa kanya yung mapapahiwalay na ako sa kanya," sabi ni Ciara. "In-assure ko naman kay Mama, physically lang, pero walang mababago sa relasyon namin bilang mag-ina. Lagi pa rin akong nandiyan para sa kanya.
"Lahat ng mga tao, sinasabi sa akin, nakakaiyak naman ang mga sinasabi ng mama ko sa pagpapakasal ko. Pero this is a way for me to love her more definitely. Ngayon ko na mararanasan kung anong klaseng paghihirap yung napapagdaanan niya noon sa pagpapalaki sa amin, kung magkakaanak na ako eventually, o sa mismong pag-aasawa na lang.
"Magiging wife na ako, and a mother, if I will be blessed with kids. Anyway, wala pang honeymoon. Kailangan naming mag-save ni Joe ng pera para sa condo na titirhan talaga namin, na para sa amin. Sabay kasi yung wedding at pagpapagawa ng condo. After the elections na lang, because my dad [Tito Sotto] is running for re-election. Gusto ko ring makatulong sa kampanya niya.
"Definitely, after the wedding, gusto ko pa ring mag-artista. Supportive naman si Joe sa pag-aartista ko, and I don't think magiging isyu sa amin 'yan sa hinaharap," ani Ciara.
- Ciara Sotto on getting pregnant: "Whenever God gives it lang."
- Singer-pole dancer Ciara Sotto would rather be recognized for her talent than be famous
- Ciara Sotto has found her niche in theater
- ELECTION WATCH: Sharon Cuneta volunteers to endorse Tito Sotto for the first time
- Ciara Sotto talks about discoveries in married life
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
- Pia Guanio confirms marrying Steve Mago in an "intimate ceremony" last October 1
- Kyla and Rich Alvarez set their wedding date on December this year
- Marco Alcaraz's wedding with Lara Quigaman is set for next year, but no definite date yet
- Lani Mercado does not "expect any more hurts" from Bong Revilla, her husband of 25 years
- Senator Bong Revilla and Representative Lani Mercado to renew marriage vows May 28; former Presidents Arroyo, Estrada and Ramos principal sponsors
-
Starbiz
Marvin Agustin on producing music concert: "We work hard to get the artist."
Marvin Agustin sees no problem about the regulation of foreign acts in the country.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Advertisement

