Lumabas sa PEP Alerts noong July 15 na sinabi ni Dina Bonnevie na magpapakasal na ang anak niyang si Oyo Sotto at ang kasintahan nitong si Kristine Hermosa "very soon."
Inamin naman ito ni Dina sa short interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas last Sunday, July 18.
"Hindi naman yata nila itinatago na may plano silang pakasal. Next year pa," sabi niya.
Pero pinabulaanan ng aktres ang balitang lumalabas na lihim na raw ikinasal sina Oyo at Kristine sa Canada kung saan naninirahan ang pamilya ng aktres. Ayon kay Dina, nagpunta ang dalawa sa Canada para mamanhikan na si Oyo sa pamilya ni Kristine.
January 11, 2011 daw ang target wedding date nina Oyo at Kristine.
May balita rin na nag-ampon daw sina Oyo at Kristine ng bata, na kinumpirma rin naman ni Ms. D.
Aniya, "Meron silang ampon, pero, huwag na lang nating pag-usapan yun."
Base sa impormasyong nakalap ng The Buzz, balak daw nina Oyo at Kristine na mag-migrate na sa Canada pagkatapos ng kanilang kasal.
Kumukuha na rin daw ng makeup lessons si Kristine para kung sakaling mag-migrate na nga sila ng Canada ay magamit niya ito for her future career. Kaya malaki rin daw ang posibilidad na after ng kasal nila ay iwan na rin nina Kristine at Oyo ang kanilang showbiz career.







aypakawanem,
Nangangahulugan lamang na si Reggee Bonoan at hindi si Cristy Fermin ang nakakaalam ng kuwento ng ampon nina Kristine kasi siya ang may direktang komunikasyon kay Mai Hermosa na nasa Canada.Hindi ito anak ni Oyo kasi nakita ko ang mukha ng bata.Hindi kamukha ni Oyo, ni Bossing Vic at lalong hindi kamukha ni Kristine.
Hindi kaya yan ang posibleng dahilan kung bakit under construction ang relasyon ni pia at vic?
Diba ikakasal na din si Oyo? eh baka humihingi ng kasal si PIA, at obviously wala sa isip ni bossing ang salitang kasal, kaya nag away. Nagtatanong lang po.
Ganda at simpleng babae si tintin .. di nakakasawang tignan, unlike yung iba....
i totally agree with you!
pero sna wg kaung umlis s showbiz..
kulang n an mgnda..
t
gaylekris
July 20, 2010
13:17 PM WALA TALAGANG TASTE SA LALAKI SI TIN. sa antipatiko lang pala sya babagsak, at sasayangin ang pinaghirapang career para lang maging make up artist sa canada
=======================================
day wag mong maliitin ang mga professional make-up artist, baka di mo alam kung magkano ang fee sa pag aaral ng make up artistry. i studied make -up artistry sa ibang bansa for 6 months and it cost me more than the two years tution fee of nursing students. ang mga gamit ng mga de kalidad na make-up artist baka di makaya ng two years mong sweldo.
Good idea na si Ms. D ang ipalit kay Kris. Dina has always been articulate, well-read and smart. And she speaks her mind.
Good luck to the young couple. May they find their place in Canada. Siguro kaya lalayo ayaw na ng intriga.