Carmina Villarroel and Zoren Legaspi prefer a "simple" wedding

Rose Garcia
Wednesday, July 28, 2010 @ 03:39PM  |  8649 views


  "Like I've said, we don't feel na parang incomplete kami. Akala nga namin, mag-asawa lang kami. Kapag natatanong kami, 'Ay, hindi pa nga pala tayo kasal.' So, parang palagi naming nalilimutan. So, kumbaga, hindi mag-iiba," says Carmina Villarroel about her 10-year relationship with partner Zoren Legaspi.

Photo By: Noel Orsal













"Ay, matagal na!" sambit niya. "In fairness, matagal ko naman nang naramdaman yun. Kasi ako naman, kapag pumapasok ako sa isang relationship, I want it to last na. Hindi naman yung parang, 'O, short term lang 'to, bahala na si Batman after ng isang taon.'

"At saka ako," patuloy ni Carmina, "positive thinking. Never akong pumapasok sa isang relationship kapag hindi ako sure. So, alam ko na siya na. Parang nako-confirm lang through the years kasi nga, hanggang ngayon, ganoon pa rin siya."

Kung nagkataon na nagpakasal sila noon pa, sa palagay niya kaya ay ganito pa rin sila ngayon?

"Yes, wala naman kasi... Like I've said, we don't feel na parang incomplete kami. Akala nga namin, mag-asawa lang kami. Kapag natatanong kami, 'Ay, hindi pa nga pala tayo kasal.' So, parang palagi naming nalilimutan. So, kumbaga, hindi mag-iiba."

Sa loob ng sampung taong pagsasama nila, hindi ba siya nakaramdam ng kahit anong insecurity knowing that they are not yet married?

"Hindi, maybe because nga, depende rin 'yan sa lalake kung ano ang pinapa-feel niya sa 'yo. Ngayon, kung ang lalake, pinapa-feel niya na, 'Uy, hindi pa tayo kahit may mga anak na tayo.' Kasi kapag magkasama kami, nag-uusap kami.

"Siguro nga, pareho kami ng wavelength na even if not really saying the words, parang nagkakaroon na kami agad ng mutual understanding. Kumbaga sa tinginan, alam mo na ang ibig sabihin no'n."

Pero nilinaw ni Carmina na hindi nangangahulugan na hindi na importante sa kanya ang kasal.

"Ang sa akin, hindi ko sinasabi na balewalain natin ang kasal, hindi po, hindi po. Inaano ko po 'yan, ipinapaliwanag na importante pa rin sa akin ang kasal. Kapag yun ba, sinabi mong kasal at siguradong-sigurado na ako," paliwanag niya.

Sa ngayon ay mukhang maayos na maayos ang pagsasama nina Carmina at Zoren what with their blooming career, numerous endorsements, and beautiful and healthy children. Pero may plano pa ba silang sundan ang kambal nila?

"Parang quota na yata!" natatawang sabi ni Carmina. "E, kasi yung kambal, ang gulo. Minsan gusto, minsan ayaw. At saka, parang sila talaga ang nasusunod, di ba? Ewan... Parang hindi na yata, ang hirap kasing magpapapayat."

GUESTING BB GANDANGHARI. Bukod sa idea ni Zoren na actual wedding day sana nila ni Carmina ang maging pilot episode ng show nila, pumasok din daw ang idea na maging guests nila sa show ang kani-kanilang exes. 

Si Ruffa Gutierrez, na ex-girlfriend ni Zoren, ay nakapag-taping na para sa isang episode ng kanilang show. Sa kaso naman ni Carmina, handa na raw siyang harapin ang kanyang dating asawa na si Rustom Padilla sa bagong katauhan nito bilang BB Gandanghari.

Feeling ni Carmina, baka ang kalabasan ng show, kung matuloy nga na mag-guest si BB, ay magtawanan na lang sila.

"Actually, nakakanerbiyos lang," pag-amin ni Carmina. "Hindi naman sa ninenerbiyos ako dahil sa may galit or anything. It's just that, I'm facing a new person. Kumbaga, hindi pa talaga kami...hindi pa kami magkakilala kasi ibang tao na nga siya. Parang ikaw, kung meron kang imi-meet, parang looking forward lahat ng taong hindi mo kakilala. So, parang ikaw rin naman siyempre, manenerbiyos ka rin. Pero ang nerbiyos ko nga, on a positive note naman and a very normal na reaction. And like what we said, parang we're very open to have her in our show."

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name