Mark Lapid and Tanya Garcia finally tie the knot

Ruel J. Mendoza
Sunday, August 01, 2010 @ 07:02PM  |  11776 views


  "Noong mag-'I do' kami, natatawa kaming pareho. Halatang may kaba pero sinabi ko naman kay Mark na this is the happiest moment sa buhay ko ngayon," said Tanya. Laughing, Mark said, "Kaninang umaga pa ako kinakantiyawan ng mga kaibigan ko at ilang relatives namin. Huli na raw ito!" The couple have a two-year-old daughter, Mischa Amidala (in photo, center), and another one on the way.

Photo By: Ruel J. Mendoza













"Natawa ako kasi kaninang umaga pa ako kinakantiyawan ng mga kaibigan ko at ilang relatives namin. Huli na raw ito!" tawa pa niya.

"Talagang handa na ako sa magiging buhay namin ni Tanya at, siyempre, siya lang ang babaeng mamahalin ko at pakakasalan ko sa simbahan. Kapag sinasabi ko 'yan kay Tanya, natatawa siya. Akala niya binibiro ko siya. Pero alam niya kung gaano ako ka-faithful sa kanya. Alam niya kung gaano ko siya kamahal talaga."

SECOND BABY. Hindi pa raw nila alam kung ano ang gender ng magiging second baby nila.

"Nakakatawa nga kasi sa dalawang beses na pagpapa-ultrasound ko, talagang tinatago niya. Parang ayaw pa niyang ipakita kung girl ba siya or boy," biro ni Tanya.

Dagdag pa niya, "Though gusto nga namin sana ay boy kasi may babae na kami, e. Yung mga nakakakita naman sa akin, hula nila ay girl ang magiging baby namin. Halata raw kasi na babae ang pinagbubuntis ko.

"Anyway, maging boy man siya or girl, ang importante ay healthy baby siya. Nagpapasalamat nga ako kay Lord kasi hindi na ako delikadong magbuntis, unlike kay Mischa na talagang nakahiga lang ako parati.

"This time, mas maayos na, at noong first trimester lang ako pinag-ingat. Ngayon okey na at nakakapasyal pa ako. Mahigpit na ang kapit niya. Kita n'yo naman, naka-heels pa ako ngayon kahit na six months preggy ako," tawa pa niya.

FAMILY BENEFITS. Naikuwento naman ni Mark na malaki na ang nakita niyang pagbabago kay Tanya simula nang magsama sila at magkaroon ng pamilya.

"Yung dating lifestyle na nakasanayan niya, nabago na noong magkaroon na kami ng pamilya. Mas maasikaso siya ngayon sa bahay at hands-on siya kay Mischa.

"Dati kasi, senyorita 'yan, which is okey lang kasi naging delikado ang pagbubuntis niya kay Mischa. But as we go along, nakikita ko na ang changes sa kanya. Nakikita ko na ang pagiging responsible mother niya sa anak namin at ang pagiging dutiful wife niya sa akin.

"Kaya totoo pala ang kasabihan na nakakapagbago ang magkaroon ka ng sariling pamilya. The same thing happened din sa akin. Tapos na ang pagiging binata, at ang pagiging ama at asawa na ang haharapin ko.

"Ayokong ma-disappoint sa akin ang mga magiging anak ko, lalo na ang asawa ko. I made a promise sa dad ko na ako ay magiging mabuti at responsableng ama ng aming tahanan."

« Prev  1  2  

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name