Optical Media Board Chairman (OMB) Edu Manzano
differentiates the scope of his agency with the former Videogram Regulatory
Board (VRB), which was once handled by Senator Bong Revilla. Edu explained, "Noong panahon ni Mr.
Revilla, yun po, e, music, pelikula lang at saka DVD. Nung nagkaroon na tayo ng Optical Media Law,
pati business software, yung mga Microsoft, hawak ko na rin. Yung Playstation, mga games, audio, books,
music, VCD."
Edu Manzano explains how Bong Revilla put OMB operations at risk
Monday, December 10, 2007
03:53 PM
Rating
Muling sumagot ang chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Edu Manzano sa mga pahayag ni Senator Bong Revilla noong Sabado, December 10, sa StarTalk.
Tulad ng senador, siniguro rin ni Edu na hindi personalan ang nangyayaring palitan ng salita sa pagitan nila ng kapwa aktor na si Bong.
Aniya, "Gusto ko lang linawin, unang-una sa lahat, hinding-hindi ito personal. Ang pinag-uusapan dito kasi ay kaligtasan ng buhay ng tao." Gayundin, nilinaw niya na, "Wala akong galit sa kanya."
Sa panayam ng The Buzz kay Chairman Edu kahapon, December 9, dinepensahan niya ang OMB ukol sa sinasabing "mole" sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng tunay na naganap sa pagre-raid ng mga tindahan ng pirated DVDs noong December 4.
Sinadya diumano nina Edu na hindi ipaalam sa senador ang tungkol sa mga lugar na kanilang sasalakayin dahil, "Kung sasabihin namin sa kanya, kailangan niyang sabihan ang driver niya, kailangan niyang sabihan ang mga security niya. E, di lalaki po yung posibilidad na magkaroon ng leak. So he has no idea kung saan kami tutuloy."
Patuloy pa ng actor-host, "Gusto kong linawin. Sa Optical Media Board, ultimo ang aming mga operatiba, hindi alam kung saan kami pupunta dahil sa opisina pa lang kinukumpiska na namin ang mga cell phones. Pagdating sa special action force, pinapapatay ang cell phones at ibinibigay sa team leader. Oras na kayo po ay nakitaan or may cell phone na nakabulsa, suspindido ka and a possible termination."
Dagdag pa niya, tatlong tao lamang ang nakakaalam ng mga lugar na ire-raid at ito ay ang kanyang executive director, head ng legal, at mismong si Edu.
MAKATI CINEMA SQUARE OR NIGHT RUINS? Matatandaan sa mga naiulat na nagtataka si Senator Revilla kung bakit wala si OMB Chair Manzano nang maganap ang raid sa Makati Cinema Square noong Martes, December 4.
Ayon kay Chairman Edu, talagang ang Night Ruins sa BF Homes Parañaque ang target nilang salakayin noong Martes. Aniya, "Unang-una sa lahat, pinili po namin yung raid para maging convenient sa kanya [Bong]. Ako ang pumili ng Night Ruins kasi contrary doon sa sinabi niya na yun po ay maliit na target, we have these pictures na kinuha sa Night Ruins kung saan ipinakita yung volume ng aming nakumpiska, kung gaano karami.
"Ang Night Ruins po doon sa BF Homes ay hindi po isang maliit na lugar. At ang nakumpiska po natin, doon pa lang is over 100 sako, meaning to say over 15,000 discs. May picture pa kami ng truck diyan na kung saan halos puno, so hindi po ito isang maliit na target."
OMB PROTECTING QUIAPO? Mariin ding pinabulaanan ni Edu na may pinoprotektahan siyang tao sa Quiapo kung kaya't hindi sila nagpunta doon upang mang-raid.
"Yun ang medyo masakit. Siguro kung mayroon akong pinuproteksyonan, hindi na ako kailangang kumayod nang kumayod," pagtatanggol ni Edu.
"Ang totoo niyan, of course not. Kaya lang kami hindi pinasok ang Quiapo kasi wala ho kaming search warrant. Kailangang-kailangan po namin ang search warrant."
Kaugnay nito, nilinaw rin ni Edu na hindi umabot ng 70 tauhan ng special action force ang nakasama nila sa pangre-raid gaya ng mga naiulat. Aniya, "Ang tao lang po na ibinigay sa amin ay hindi 50 or 70, katulad ng binanggit ni Mr. Revilla, na combat-ready na special action force. Hindi po 70, 26 lang po. [Ipinakita ang papel]. Mga kaibigan, hindi po ako nanghuhula. Ito po ay dokumentado"
BELOW-AVERAGE RATE. Hindi rin naiwasan ng actor-TV host na mag-react sa naging paliwanag ni Bong sa StarTalk ukol sa "below average" rate na naibigay ng senador sa performance diumano ni Edu.
Reaksiyon ni Edu, "Nagulat po ako sa kanya kahapon, noong in-interview siya ni Mr. Butch Francisco sa kabilang istasyon at sinabi... yung sinabi mong [Bong], ‘Below average si Edu Manzano.' Ang sabi ni Mr. Revilla, ‘Noong araw lang na 'yan.' Just for that day. Parang daily 'ata ang pagre-rate sa akin. At saka mahirap 'yan kasi hindi ko makakausap, e, ni hindi nga siya sumasama sa amin, e."
MR. REVILLA. Marahil sanhi ng mga pangyayari, marami ang nakapansin na sa halip na Senator Bong ang itawag ni Chairman Edu sa kapwa aktor, "Mr. Revilla" ang binabanggit niya sa kanyang mga interview. Naitanong tuloy ng The Buzz kay Edu kung bakit ganito ang kanyang pagtawag sa senador.
Paliwanag ni Edu, "Marami nga nagtatanong sa akin kung bakit ayaw ko siyang tawaging senador. Kasi ayaw kong isipin that this is an upfront on the institution, that is the Senate. Ayokong isipin ng iba na binabanatan ko ang Senado kapag ginamit ko yung salitang ‘senador.'
"Tinatawag niya akong chairman, tatawagin ko rin siyang Mr. Revilla. Nandun pa rin yung paggalang ko sa kanya, but ayokong mamayang isipin gagamitin ngayon ng hindi pagsabi ng senador as patama doon sa senado."
PEACE BEFORE CHRISTMAS? Hindi diretsang nasagot ng Optical Media Board chairman ang tanong kung posible ba silang magkausap ni Senator Bong Revilla ukol sa mga pangyayari.
- Edu Manzano on Luis's lovelife: "I trust my son to make the right decisions."
- Edu Manzano names cancer ward of PCMC after his late father
- Edu Manzano: Back to hosting, but no more acting
- Edu Manzano explains decision to return to GMA-7 and leave ABS-CBN
- Edu Manzano returns to showbiz via new GMA-7 game show Asar Talo Pero Laging Panalo
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Vina Morales on sister Shaina Magdayao's reported reconciliation with John Lloyd Cruz: "I always knew naman na magkakabalikan silang dalawa."
- PART 2. Ruffa Gutierrez confirms that Shaina Magdayao called her in the early hours of the morning
- Ruffa Gutierrez still cannot unmask her "Batman"; annulment case continues
- PART 3. Ruffa Gutierrez says she's not a "relationship wrecker" and denies flirting with John Lloyd Cruz
- Raymond Gutierrez on Ruffa-Shaina issue: "For me, it's not even about who texted first, it's about what the messages said."
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Controversies
Alice Dixson denies separation rumors anew
Alice Dixson says she and her husband have agreed not to have a baby.
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- Daniel Matsunaga says Heart Evangelista's rich family is not a factor in asking her hand in marriage
- Heart Evangelista on bumping into Marian Rivera recently: "I bowed my head and I smiled. I respect if she's not ready."
- Alice Dixson denies separation rumors anew
Advertisement

