Edu Manzano explains how Bong Revilla put OMB operations at risk

Nerisa Almo
Monday, December 10, 2007 @ 03:53PM  |  12 views

Optical Media Board Chairman (OMB) Edu Manzano differentiates the scope of his agency with the former Videogram Regulatory Board (VRB), which was once handled by Senator Bong Revilla. Edu explained, "Noong panahon ni Mr. Revilla, yun po, e, music, pelikula lang at saka DVD. Nung nagkaroon na tayo ng Optical Media Law, pati business software, yung mga Microsoft, hawak ko na rin. Yung Playstation, mga games, audio, books, music, VCD."
Photo By: Noel Orsal













Reaksiyon ni Edu, "Nagulat po ako sa kanya kahapon, noong in-interview siya ni Mr. Butch Francisco sa kabilang istasyon at sinabi... yung sinabi mong [Bong], ‘Below average si Edu Manzano.' Ang sabi ni Mr. Revilla, ‘Noong araw lang na 'yan.' Just for that day. Parang daily 'ata ang pagre-rate sa akin. At saka mahirap 'yan kasi hindi ko makakausap, e, ni hindi nga siya sumasama sa amin, e."

MR. REVILLA. Marahil sanhi ng mga pangyayari, marami ang nakapansin na sa halip na Senator Bong ang itawag ni Chairman Edu sa kapwa aktor, "Mr. Revilla" ang binabanggit niya sa kanyang mga interview. Naitanong tuloy ng The Buzz kay Edu kung bakit ganito ang kanyang pagtawag sa senador.

Paliwanag ni Edu, "Marami nga nagtatanong sa akin kung bakit ayaw ko siyang tawaging senador. Kasi ayaw kong isipin that this is an upfront on the institution, that is the Senate. Ayokong isipin ng iba na binabanatan ko ang Senado kapag ginamit ko yung salitang ‘senador.'

"Tinatawag niya akong chairman, tatawagin ko rin siyang Mr. Revilla. Nandun pa rin yung paggalang ko sa kanya, but ayokong mamayang isipin gagamitin ngayon ng hindi pagsabi ng senador as patama doon sa senado."

PEACE BEFORE CHRISTMAS? Hindi diretsang nasagot ng Optical Media Board chairman ang tanong kung posible ba silang magkausap ni Senator Bong Revilla ukol sa mga pangyayari.

"To be honest, masakit yung sinabing sinungaling, lalo na kung... Mga kaibigan, kung alam n'yo lang kung gaano ka-close yung pamilya namin sa Optical Media Board, iilan lang kami sa opisina. Kumbaga, nandun lang ako, [kung] wala silang tiwala sa akin, paano ko sila matatama sa mga delikadong sitwasyon?

"Kung ako po ay nagsisinungaling, bakit kumpleto po ang aking mga documentary evidence? Hindi bale sana kung ako, e, tsismis lang pero dokumentado po ang lahat."

Hindi rin tuwirang sinagot ni Edu kung may pag-asang maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Bong.

Ani Edu, "Sana po alisin na natin ang kaibi-kaibigan, kumpa-kumpare, kama-kamag-anak kasi ang pinag-uusapan po dito ay buhay po ng tao. Hindi ganun kasimple na, ‘Pare, pasensiya ka na, tulung-tulong na tayo. Hindi po, e, damage was done.

"Ang nagiging problema po natin, lalo ngayong lumalaki or nae-enbolden tuloy yung mga kalaban na mag-resist. Ngayon, ang ginagawa mo ngayon, you're putting the lives nung aming mga tao at risk—at to think sa OMB hindi po puro lalaki 'yan, may mga babae rin po kami."

Sa huli, sinabi pa ng aktor, "Ewan ko kung magkakaroon ng the end,' e, kasi ang pinag-uusapan dito is hindi lang si Mr. Revilla o ako, e. Ang pinakapinag-uusapan po dito, e, yung mga taong bumubuo sa Optical Media Board."

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name