"Kung masaya ako sa isang
bagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Pero
kung wala na ako sa kanila, that doesn't mean na kung anu-ano na ang dapat kong
sabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong time
na kailangan ko ng trabaho," explains Angelika dela Cruz about her loyalty to TV networks.
Angelika dela Cruz answers loyalty issue
Friday, April 11, 2008
06:37 PM
Rating
Isa nang ganap na Kapuso star si Angelika dela Cruz dahil ang pagpasok ng character niya sa teleseryeng Babangon Ako't Dudurugin Kita ay damang-dama na sa mga araw na ito.
"I also signed a managerial contract with GMA Artist Center," sabi pa ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya ang feeling ko, very assured na hindi ako mapababayaan. Aside from the fact that I have a guaranteed exclusive contract with GMA for two years."
In other words, sa estadong ito ng career ni Angelika, ipinagkakatiwala na niya ang lahat sa GMA-7 pagdating sa pagpapatakbo ng kanyang career.
"Really, I'm very happy being a Kapuso. Natutuwa nga ako dahil hindi naging problema for me ang pagbabalik sa GMA-7. Madali kong nakausap ang big bosses ng Dos, pumayag sila, and before that, nag-agree na rin ang GMA sa gusto kong mangyari.
"Hindi ko talaga gusto yung kapag umaalis, nagkakaroon ng mga negang away. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future. Noon, nasa Dos ako, para nga akong pingpong ball. Napunta ako sa GMA, tapos sa ABS uli; then ngayon, Kapuso uli ako," nakangiting sabi ni Angelika.
ANGELIKA'S LOYALTY. May mga nagsasabi namang kahina-hinala ang kanyang loyalty dahil sa paglipat niya ng networks.
"I just put it this way, kung masaya ako sa isang bagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Pero kung wala na ako sa kanila, that doesn't mean na kung anu-ano na ang dapat kong sabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong time na kailangan ko ng trabaho. Walang dahilan para hindi nila maintindihan ang point ko pagdating sa bagay na 'yan. Wala namang personalan," paliwanag ni Angelika.
Aware si Angelika na nagkaproblema rin sa kanya ang ilang tao dahil sa pagiging bratinella niya noon.
"Kasi bata pa ako noon, immature," sabi ni Angelika. "Eventually, natututunan ko yung pakikisama. At saka noong time na yun, kapag in love ako, wala akong pakialam sa iba. Doon lang sa taong yun umiikot ang mundo ko. In the past kasi, ang mga nakarelasyon ko, puro taga-showbiz. Ngayon, nabago ang perspective ko mula nang magka-boyfriend ako na wala sa showbiz, and at the same time, mas mature talaga sa akin."
STILL GOING STRONG. Three years na rin daw ang itinatakbo ng relasyon nila ni Orion Casareo, isang young businessman who belongs to a prominent and wealthy family.
"Siya yung maraming naituturo sa akin, lalo na pagdating sa pera, kung paano mai-invest nang tama yung kinikita ko. Kasi, negosyante siya. Hindi lang yung tungkol lang sa relasyon. Aware din ang daddy ko sa magandang influence ng boyfriend ko sa akin, kaya naman wala kang maririnig na reklamo sa daddy ko.
"Besides, nasa hustong gulang na ako para mag-decide kung ano ang dapat para sa akin. May tiwala naman ang daddy ko sa akin pagdating sa bagay na 'yan," sabi ni Angelika.
DADDY'S GIRL. Pagdating nga sa career, lahat halos ay diskarte na ni Angelika ngayon. Kaya ang amang si Ernie dela Cruz ay naka-focus na lang sa management ng family-owned bar nila sa Malabon, ang Starz.
"Minsan stressed ang daddy ko dahil may mga problema sa ganyang business. I told him nga, if it's not worth it, i-give up na lang niya. Hindi naman niya kailangang magtrabaho.
"Kaya na namin ng mga kapatid ko ang itaguyod ang mga sarili namin, at susuportahan din namin siya. But my dad is not the type who would just stay home. Gusto niya, yung may pinagkakaabalahan din siya," lahad ni Angelika.
RECORDING CAREER. Pati ang sinasabing pagbongga uli ng recording career ni Angelika ay tiyak na ipagkakatiwala na rin niya sa GMA Artist Center ang diskarte.
"Inaayos na rin naman. Wala pang linaw ang mga detalye. Pero kapag nariyan na, ipaaalam ko naman agad. Nagkaproblema kasi ako sa BMG noon, nagkademandahan sa kontrata, di ba? Nalusutan naming yun kaya kailangang mas maging maingat na kami sa pakikipagkasuduan pagdating diyan.
"Isa 'yan sa mga gusto kong mangyari sa pag-aartista ko, na hindi masyadong nabigyan ng katuparan noon. Hopefully, makapag-concentrate ako sa singing," pagwawakas ni Angelika.
- Angelika dela Cruz plans to enter politics next election
- Angelika dela Cruz's house in Malabon "bombed" by unidentified suspect
- Angelika dela Cruz and her family face another trial
- Angelika dela Cruz on her brother's death: "I'm doing my best to be strong for my family."
- Angelika dela Cruz hopes to take over late brother's spot in Malabon council
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Vina Morales on sister Shaina Magdayao's reported reconciliation with John Lloyd Cruz: "I always knew naman na magkakabalikan silang dalawa."
- PART 2. Ruffa Gutierrez confirms that Shaina Magdayao called her in the early hours of the morning
- Ruffa Gutierrez still cannot unmask her "Batman"; annulment case continues
- PART 3. Ruffa Gutierrez says she's not a "relationship wrecker" and denies flirting with John Lloyd Cruz
- Raymond Gutierrez on Ruffa-Shaina issue: "For me, it's not even about who texted first, it's about what the messages said."
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Advertisement

