"Masakit mapagbintangan, lalo na't hindi totoo. Sinasabi ko
nang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kami
ay isang magandang love team, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos ay
naging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pong
alagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga't binibigyan kami ng pagkakataon," says Marian Rivera.
Marian Rivera issues official statement against talk that she caused Dingdong-Karylle breakup
Friday, November 28, 2008
02:00 AM
Rating
Pagkatapos magbigay ng kani-kanilang pahayag sina Dingdong Dantes at Karylle kaugnay ng kanilang breakup, nagbigay na rin ng kanyang official statement si Marian Rivera sa hindi pa rin matigil-tigil na pagdawit ng kanyang pangalan.
Si Marian ang itinuturong "third party" sa breakup nina Dingdong at Karylle, pero pinabulaanan na ito ng tatlo sa magkakahiwalay na interviews. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang naniniwala na may kinalaman si Marian sa paghihiwalay ng kanyang ka-loveteam na si Dingdong at sa dating girlfriend nito na si Karylle.
Lalo pang umigting ang usap-usapan sa namamagitang relasyon diumano nina Dingdong at Marian nang umamin ang aktres na break na rin sila ng kanyang dating boyfriend na si Ervic Vijandre. Tumagal ng halos walong taon ang relasyon ni Marian at ni Ervic, na dating varsity player ng San Sebastian Recoletos at ngayo'y isang modelo.
Isang official statement ang ipinadala ni Marian sa Showbiz Central kaninang hapon, November 9. Dito ay inamin ng aktres na naaapektuhan na siya sa mga naglalabasang balita na siya ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Pero iginiit niya na walang silang seryosong relasyon ni Dingdong.
Narito ang kabuuan ng official statement ni Marian:
"Aaminin ko na po na naaapektuhan na ako sa mga usap-usapan na ako ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Please lang po, huwag naman sanang gano'n.
"Kahit ako o kahit sino siguro sa atin, walang makakaalam, makakaunawa, at higit sa lahat walang dapat manghimasok sa pinagdadaanan nilang dalawa. Silang dalawa lang po ‘yan. At kahit ako nga, walang nalalaman sa totoong namagitan sa kanilang dalawa.
"Ang katatagan po ng kahit anong relasyon ay nakabase sa kung paano kayo makisama sa isa't isa, at kung paano ninyo haharapin ang mga pagsubok. Puwede kayong mag-fail o puwede kayong mag-stick together lalo. Nasa inyo na po ‘yon, di ba?
"Kung tunay at wagas ang pagtititnginan ninyo sa isa't isa, at you can stand the test of time, hindi kayo maghihiwalay. Pagsubok kasi ‘yan. Walang isa na may kasalanan o masisisi pag nagkahiwalay. Alam ko po ‘yan dahil naranasan ko din kasi.
"Masakit mapagbintangan, lalo na't hindi totoo. Sinasabi ko nang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kami ay isang magandang love team, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos ay naging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pong alagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga't binibigyan kami ng pagkakataon.
"Maraming salamat."
- Marian Rivera learns to bake, but not for her wedding cake
- Marian Rivera says she has no right to give advice to KC Concepcion about rumored breakup with Piolo Pascual
- Marian Rivera living in with Dingdong Dantes? "Hindi totoo 'yan. Kasi may bahay ako sa Makati, may bahay si Dong sa Cubao."
- Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
- Marian and Dingdong, Angel and Phil, Piolo and KC—which relationship will last?
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Vina Morales on sister Shaina Magdayao's reported reconciliation with John Lloyd Cruz: "I always knew naman na magkakabalikan silang dalawa."
- PART 2. Ruffa Gutierrez confirms that Shaina Magdayao called her in the early hours of the morning
- Ruffa Gutierrez still cannot unmask her "Batman"; annulment case continues
- PART 3. Ruffa Gutierrez says she's not a "relationship wrecker" and denies flirting with John Lloyd Cruz
- Raymond Gutierrez on Ruffa-Shaina issue: "For me, it's not even about who texted first, it's about what the messages said."
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- Alice Dixson denies separation rumors anew
Advertisement

