Kumpirmadong si Nadine Samonte ang napili ng GMA-7 para humalili sa maiiwang role ni Sunshine Dizon sa panghapong soap opera na Tinik Sa Dibdib. Kagagaling lang ni Nadine sa Amsterdam at Paris, kung saan binisita niya ang kanyang ama at iba pang kamag-anak sa loob ng dalawang linggo.
Ikinuwento ni Nadine sa Showbiz Central kung paano niya nalaman ang bago niyang project sa Kapuso network.
"Nag-text sa akin ang Mommy ko. Sabi niya, 'Nadine, tumawag ka agad, kasi kailangan na namin ang sagot mo.' Sabi ko, 'Sagot? Ano nangyari?' Noong tumawag na ako kay Mama, sabi ko, 'Ano yun?' Sabi niya, 'Okey ka ba? Sa Monday ang taping, yung bagong show.
"'Ah, talaga, may bagong show na ba?' 'Yung kay Ate Shine, ikaw na ang papalit kay Sunshine.' 'Ha?' 'Paano ako papalit dun, e, ang galing-galing nun?' Tapos, ikinuwento na niya, parang may sakit nga yata or what, parang ganoon. So, excited ako."
Wala raw pagsidlan ang kaligayahan si Nadine sa pagdating ng bagong blessing sa kanya. At the same time, may kahalo rin namang pressure para sa kanya, kaya nandoon din ang pagdadalawang-isip noong unang sabihin sa kanya na siya ang papalit kay Sunshine.
"Pagdadalawang-isip? Medyo, kasi medyo nakakakaba kasi, siyempre, si Ate Shine, magaling na artista na yun. Tapos papalitan ko pa. Ang laki ng expectation sa akin ng mga tao. At the same time, happy kasi ipinagkatiwala ng GMA sa akin na ako ang gagawa. So, I'll try na lang my best na gawin kung anong contribution na alam ko na hindi naman sila mapapahiya na ako ang pinili nila," saad ni Nadine.
Ngayong araw, October 19, ang first taping day ni Nadine for Tinik Sa Dibdib.
"Actually, hindi ko pa siya [script] nababasa, e. Ngayon ko pa lang nakuha, pagdating ko pa lang. So, hindi ko pa siya napapanood. I'm getting ready. I must be ready!" natatawang sabi niya.
Dagdag ni Nadine, "Promise na gagalingan ko, kasi alam ko naman na napakagaling niyang [Sunshine] artista. Sana patuloy n'yo pong suportahan ang Tinik sa Dibdib. Kapag pumasok ako, siyempre, alam kong mabibigla silang lahat sa pagbabago ng pagpasok ko. At saka, alam ko na maiiba nang konti ang story. Sana nandiyan pa rin kayo at huwag po kayong bibitiw sa Tinik sa Dibdib."






mabuti naman at nakabalik na si nadine.. sana magtaping din sya muli sa darna ngayong buhay na uli si impy..
pang 3 afternoon soap na to ni nadine and have proved her self na pang leading lady status sya.. sana e pares sila muli ni dennis trillo o e try si tj.. ilang soap na din ang pinagsamahan ni dennis at nadine, may chemistry naman sila.. wag lang sana mag contrabida si nadine ng tulad sa gagambino. okay na sa kanya ang maging contrabida na tulad kay roma..
kung e reremake man ang villa quintana, dapat sya si donna cruz at si glaiza de castro si isabel granada doon..
siya ang pinakamagaling na artistang produkto ng starstruck!
yoko kay jennylyn mercado at rhian ramos!
ang cnsbi kong c jason ung jason ng
pbb dti...sbrang sad nga...tpos prang
may engagement na nguest c nadine
tpos may mga ksama p clang ibang
artists tpos prang after ng game
prang ung syempre kis d b ung partner
c nadine parang diring diri tpos
tumingin p sya sa handler na ng make
face n prang yuck ...kung iisipin
ntin d b dpt mgpasaya ka ng tao after
wat hapend tpos gnun ppkita mo??hay
pag igihan mong mabuti nadine heto na ang inaantay mong lead role! huag ibale wala ang pagtitiwala sa iyo!
congrats sa lead role and goodluck na rin!