Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng international Celestial Beauty, isang pageant na dalawang taon nang ginaganap sa U.S. Sinusulong ng pageant ang "go-green environment" at nilalabanan ang global warming.
Nagkataong sa bahay ng mga Villar sa Shaw Boulevard ginanap ang press launch. Lahat ng guests, kasama ang dalawang winners ng nasabing beauty contest, ay personal na sinalubong ng anak nina Sen. Manny Villar at Rep. Cynthia Villar na si Camille.
Bihirang makasalamuha ng entertainment press ang 20-year-old na unica hija ng dating senate president, kaya sinamantala ng PEP ang pagkakataon upang tanungin siya sa ilang isyu ng ipinupukol sa kanyang ama.
Simple at mukha siyang tahimik. Sa katunayan, ang mahiyaing bungad niya sa amin ay hindi raw ito part ng event at dumalaw lang daw talaga siya.
Pero noong usisain namin siya tungkol sa mga kumalat na larawan sa email, kung saan ang mga relief goods na ipinamigay ay may pangalan ng kanyang ama, hindi napigilan ni Camile ang magsalita.
Aniya, "You know, when I heard about that, it was very hurtful. Kasi, lumabas 'yan, Sunday [September 27]. Saturday night pa lang, our employees at that point, hindi pa kami nakakatulog nun. Kasi nga, Saturday pa lang, we had our engineers, our people, our staff, pumupunta na sila sa iba't ibang areas. Hindi na sila natulog, talagang nag-rescue sila and that's without any need to be given credit.
"Gusto lang nilang talaga na tumulong, and we had the capabilities, so we did. At that time, wala pa kaming tulog and we are so [hurt]."
Mga dump tracks daw nila ang ginamit para i-rescue ang ilan sa mga biktima ng Ondoy at mamigay ng relief goods sa iba't ibang lugar gaya ng lalawigang Rizal.
Ang kuwento pa ni Camille, "Meron nga sa Montalban, Rizal, at happy ang mga tao run na nakarating kami ahead of everyone. And basically, we wanted to do some stuff that was very, very fast. And at that point, we used whatever resources that were on hand."
Nilinaw ng dalaga na walang halong pamumulitika ang kanilang pagtulong.
"Kung meron man na nag-donate in our behalf, kasi...But moreover, with the plastic bags, with the bottled water, those were things that we've used throughout the years. And when there's a calamity, you don't have time to...hindi naman yun [stickers] pina-print noong Friday night. Ginamit na lang namin kung ano yung on-hand na. And with regard to styrofoam, hindi sa amin nanggaling yun."
Binanggit din niya na hindi ang kanilang pamilya ang nagpa-print ng mga stickers.
"Sinasabi nga ng dad ko, hindi naman siya ang nagpa-print nun. 'Tapos, sinasabi rin niya, kung gusto rin niyang mag-donate ng walang labels, okay lang din. But we used whatever resources we have to help and, you know, when we give out our help, it was really genuinely from us kasi, gusto lang naming makatulong," ang paliwanag ni Camille.
Nakita mismo ng bunso nina Manny at Cynthia ang mga forwarded messages and pictures sa Internet at ilang websites, pero sa sobrang abala niya, hindi na niya gaanong pinansin ang isyu.
"I was able to see it and I was deeply hurt. People sent it to us and at that time, I don't have time to respond kasi, talagang umiikot kami. Like ako, I personally went to Bulacan and Valenzuela to help. At saka, parang kami kasi, hindi na kami tumigil ng kakatulong, marami pa ring taong nagka-panahon na bumatikos," ang sabi ni Camille.






Kht si Kristo pa ang maging Presidente sa Pilipinas di parin mgbabago bansa natin dhl tayo mga Pilipino mga wlng disiplina at higit sa lahat mga tamad!
talaga? me ganong eksena?
hay naku salamat talaga sa PEP ang dami kong natutuklasan.
me isang Pepster din na nagsabi me nakalagay daw na taurpalin sa dumptruck na pag aari ng mga Villar na nakalagay yung pangalan ni Manny.
banggitin ba yung dumptruck? syempre kung meron sila nun gagamitin nila, alangan naman umupa pa sila.
medyo hahangaan ko pa kung mga relief goods ng ibang kandidato ipagamit nya yang mga dumptruck nila.
imagine, makipag mabutihan ka kay Willie kahit na di maganda reputasyon basta sikat at makakatulong sa kanyang kandidatura.
pag naging Presidente yang si Villar, for sure lalong lolobo ang ulo ni Willie.
anyway, kahit sincere pa si Camille sa pagsasabing hindi namumulitika ang tatay nya, i doubt kung me maniniwala, siguro blind followers pa. in the first place, Manny Villar has already spent millions promoting himself.
sana manolo si manny!!!