"It's my first time to do a show with Rico, who was known noong '70s as the Total Entertainer. First time na kaming dalawa lang kaya nakaka-excite, kasi baliw itong si Rico, e. Sabi ko nga, ang dapat na title ng show namin ay 'Ang Bastos at ang Demure.' Hindi ba, ang lagi nilang sinasabi kay Rico ay bastos ito?
"Pero sa totoo lang, he's just a naughty guy. Para lang siyang bata na hindi na lumaki. Makulit lang si Rico, pero he's not bastos. Yung mga jokes lang niya ang bastos kasi. Kahit na niloloko niya ako parati about my legs and cleavage, natatawa lang ako sa kanya kasi I know this guy very well.
"And our show naman is produced para may mga matulungan kami na maraming tao. The proceeds of our show will be given to the Philippine Green Building Council who makes the houses for Habitat for Humanity. It's headed by Illac Diaz at maganda ang projects nila, to give affordable and safe homes sa maraming tao na wala pang mga bahay. Kami ni Rico, we always do shows for charity. Sabi nga nila, it's the giving that makes things more meaningful in our life."
For tickets sa concert nina Pilita at Rico, call Ticketworld and Twin Towers & Co. office at 719-0136.
TYPHOON ONDOY. Isa rin si Pilita sa naging biktima ng matinding baha noong bagyong Ondoy. Ang bahay niya sa Rolling Hills sa New Manila, Quezon City, ay pinasok ng mataas na baha at maraming mga mamahaling gamit ang nasira at hindi na maibabalik pa.
"Grabe ang nangyari because the wall that was protecting our place from the rising river ay nasira kaya pumasok ang malakas na tubig sa bahay namin. Gusto pa ng mga kasama ko sa bahay na magligtas ng ibang gamit, pero I told them na iligtas na nila ang sarili nila. Mabuti na lang at walang namatay sa mga kasama ko sa bahay. Mas importante ang buhay, di ba?" lahad ni Pilita.
Marami ang nanghinayang sa mga nawala kay Pilita. Kabilang na rito ang mga lumang litrato na kinaingat-ingatan niya through the years at ang grand piano na matagal na niyang pag-aari ay nasira ng baha. Pati raw ng musical arrangements na ipinagawa niya sa mga sikat na composers ay nasira lahat.
"Those are the musical arrangements that my composer friends did for me during my time na may musical show pa ako, like yung An Evening With Pilita and other shows I did here and abroad, and when I do recordings of my albums. Lahat 'yon ay nasira ng baha and it's really worth a lot of money.
"But what can I do? Gano'n lang talaga ang buhay. You have to pick yourself up and move on. What's important is that we're here and alive and still active. I am still lucky because I still have my house. Yung iba, nawalan na nga ng mga gamit, nawalan pa sila ng titirhan. Kaya I am so thankful pa rin kay God in spite of what happened.
"Mabuti na lang din at may TV show ako ulit. I play the grandmother of Richard Gutierrez in Full House of GMA-7. The last TV show I did with GMA-7 was the sitcom Lagot Ka, Isusumbong Kita with Richard Gomez and Joey Marquez. I miss doing TV shows, lalo na kung nakakatawa. At mukhang maganda ang kuwento ng Full House," sabi ni Pilita.






noon, si nora makasarili , ang sarili lang niya ang inaatupag, adopt ng adopt , wala namang panahon sa kanila.
matet, si kiko? hay naku!..sana ok si lotlot sa US..
Mata pobre rin itong babae na ito.
Malamang nga dahil mas mukha pa siyang bata kaysa kay JackieLou....
Sus me - anong ibig sabihin niyan? Mas mukha tayong matanda sa kanya - LOL
in all fairnez, maganda pa rin ang lola pilitz kahit more than her 70z na mukha pa syang 40z.
vongga!
Haay salamat po doctor at salamat po Photo shop....Saw her in Greenhills a few months ago - well she did not look like this...
Let us hear it from them..