Kamakailan ay lumabas ang balitang nakita raw sa Katips Bar sa Quezon City si Shaina Magdayao na umiinom at nakikipag-flirt sa isang guwapong Filipino na may kasamang foreigner.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John, agad naming hiningi ang reaksyon niya tungkol sa nabalitaang sighting na ito.
Agad namang kinunpirma ng aktor na talagang nandoon nga ang girlfriend niya.
"Inaya niya ako pero wala ko dun because I was taping Banana Split. Birthday kasi ng friend niya, si Ate Tess, yung makeup artist niya, so nilibre niya sa Katips. Sa Katips kasi, sila Mommy Dianne [Magdayao], friend nila yung may-ari at pagka umiinom sila or gathering, nandun sila.
"Actually, natatawa nga kami kasi grabe ang mga tao, they never stop to amaze me on how they make up stories like that. Mali-mali yung kuwento. Di po siya guy, isa po siyang 'babaeng guy.' Actually foreigner daw yun, kinuwento lang ni Ate Tess."
Ayon kay John, kahit pinagtawanan nila ni Shaina ang mga lumabas na kuwento, sana naman daw ay huwag nang magdagdag ng mga hindi totoo.
"Huwag na yung may mga plus-plus. Unfair kasi di lang kay Shain kundi kahit sa lahat naman ng tao na gawan ng istorya. It's really unfair. 'Wag naman sana tayong mag-imbento ng mga kuwento."
Nang tanungin naman kung kamusta sila ni Shaina, he assured us na maayos ang itinatakbo ng relasyon nila.
"We're very much okey. We're happy and wala naman kaming problema."
ONDOY AFTERMATH. Isa sa pinaka-naapektuhan ng bagyong Ondoy ay ang subdivision nina John sa Cainta. Kinumusta namin ang lagay ng pamilya niya at tinanong kung totoo ang balitang marami raw sa village nila ang nagalit sa pamilya niya dahil nagkulang daw sila sa pagtulong sa mga kapitbahay nung binaha ang lugar nila.
"Okey na naman, naka-recovered na ang lahat. Sana wala nang dumating na bagyo kasi parang kababangon pa lang ng lahat.
"Basta kami ginawa namin ang part namin. Di naman dapat sabihin kung ano man yun. Basta alam naming, may nagawa kami. May mga tao lang talaga na ganyan, so hinahayaan na lang namin."
Regular na mapapanood si John sa Banana Split at ASAP '09 ng ABS-CBN, at sa Moomoo and Me ng ABC5.






tungkol dun sa mga artistang lilipat? dapat kasi wala nang exclusive exclusive pa para di magsawa ang mga tao sa mga artista. ok lang nman kung may contract, ang kelangan lang naman is commitment sa isang project di ba.
Wag kse masyadong nega!
kung sino ka man...
bago ka mag comment mag aral ka muna! bAKIT di mo alamin ang mga nagtapos ng college sa tulong ni Kris Aquino...Bakit di ka magtanong sa Caritas kung sinong isa sa pinakamalaki ang contribution sa kanila monthly? comment kse ng comment para lang mag nega eh!
sana wag na ring lumipat sina nadine at jennylyn baka masapawan lang sila sa new and promising artists ng dos ngayon....and pag hindi na sila gumagawa ng shows kasalanan na naman ng management....hayaan na lang silang maluma sa seven....ang dami kayang fresh and more talented new artists ngayon...later on they would just be history....lol...
hope mabasa to ng abs mgt. hwag nyong hayaang makuha ng swapang na kabila sina roxanne,john and tin-tin......im expecting to see more of them on your channel...please please please....