Ara Mina reveals her true feelings about Sunshine Dizon's exit from Tinik Sa Dibdib

Glen P. Sibonga
Tuesday, October 27, 2009 @ 02:10PM  |  1273 views


    "Pinakaayaw ko sa kanya... siguro yung moody kasi nga bata pa. Minsan kasi magte-text ka sa kanya, tapos hindi ka niya sasagutin. After two days pa minsan bago ka niya sagutin. Pag moody siya, gusto niya huwag mong iistorbohin," says Ara Mina about sister Cristine Reyes.

Photo By: Noel Orsal













"Pero I hope suportahan pa rin nila yung show kasi nanghinayang lang ako pag pumupunta ako sa district namin. Sinasabi kasi nila, 'Ang ganda n'yo ni Sunshine.' Yung tandem daw namin together maganda daw. So, nung sinasabi nilang maganda yung tandem namin, alam ko na yung news noon na papalitan na nga siya. Sabi ko nga sa sarili ko, naku, kung alam n'yo lang po, iba na po. Wala na po si Sunshine. Hindi pa kasi ina-announce noon na wala si Sunshine, e," lahad ni Ara.

RUNNING AS Q.C. COUNCILOR. Sigurado na ang pagtakbo ni Ara sa 2010 elections bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City.

"Councilor lang. Ayoko naman masyadong ano... Mas magandang mag-start sa mababa. And kasi balak ko pa rin naman mag-work. Ayoko naman na mabigat na yung responsibility. Pero as councilor nga lang, mabigat na nga rin, lalo na sa District 2. Kasi ang District 2, pagsamahin mo yung District 1, 3 and 4, mas malaki pa rin ang District 2," aniya.

Bakit niya naisipang sumabak na rin sa pulitika?

"Di ba, noon pa ako pinapatakbo? Noon, ayoko pa talaga. And marami ang nagtatanong kung pinatakbo ba ako ngayon [ng family ko]? I think this is the right time for me to run kasi I'm in the right age. At saka marami nang magla-last term and wala akong masasagasaan. Kumbaga, since 2001 na pag-iikot ko sa District 2, kumbaga, alam ko na yung mga pangangailangan nila, since naupo yung dad ko [Chuck Mathay] na congressman before," paliwanag ni Ara.

Hindi ba makakaapekto ang pagtakbo niya sa trabaho niya ngayon?

"No naman," sagot niya. "Actually, we're still waiting dun sa bagong resolution ng Comelec. Sa law po kasi, 45 days before election ang hindi na puwedeng lumabas sa TV. Pero wala pa silang ibinababang bagong batas. Kumbaga, waiting pa lahat. So, aayusin naman namin, if ever, ng GMA. Pero I hope hindi. Kasi before ang filing talaga is March. Ngayon lang ginawang November para they have enough time to do the... kasi automated na po tayo. Before kasi isusulat mo lang yung pangalan ng kandidato. Ngayon kasi ise-shade mo lang kasi naka-print na lahat ng names ng kandidato.

"Medyo unfair lang sa aming mga artista o kahit yung ibang nasa gobyerno kung titigil na kami sa pagtatrabaho. Six months kang walang trabaho? Kasi kahit paano nanghihinayang din ako sa trabaho. Kasi magastos ang pagtakbo, e. Parang medyo... bigyan naman sana ng consideration, especially local lang naman kami, e. Kumbaga, sana sundan na lang ulit yung dating rule and medyo magbigay lang ng palugit kahit hanggang February kasi napaaga yung filing, e. Kasi sa election noong 2004 and 2007, ang nabasa ko kasi is after filing. E, ang filing noon, March. So, okay lang yung old. Pero ang filing ngayon is November. Wala pang ibinababa ang Comelec na bagong rule."

Sa ngayon daw ay wala pang partido si Ara.

"Hopefully, by November meron na akong partido. Sa ngayon kasi, I'm still waiting for the decision of my dad. Kasi baka magra-run siya, pero I don't know for what position."

Marami raw nag-o-offer kay Ara na sumapi sa kanilang partido.

"Marami ang nagsasabi na, 'O, puwede ka rito sa amin.' Pero alam naman nila na hinihintay ko pa ang decision ng family ko. Si [Councilor Ariel] Inton, ini-invite niya ako for a meeting at saka sa mga event niya, pero hindi pa nga ako nakakapunta dahil nga may taping ako, ganun. Si Herbert [Bautista] kanina nakasabay ko sa basketball tournament na pinuntahan ko, yung kay Joy Belmonte [daughter of QC Mayor Sonny Belmonte]. Sa ngayon, wala pa talagang definite, kung partido ang pag-uusapan."

« Prev  1  2  3  

Related Articles

50 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name