Inamin na ni Cristine Reyes na totoong nagpadala siya ng hate message against Heart Evangelista kaugnay ng pagkaka-link ni Heart sa ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. Pero nilinaw niya na matagal nang nangyari ito at hindi niya direktang tinext si Heart, bagkus ay ipinadala niya ang text message kay Rufa Mae Quinto.
"Hindi po ako directly nag-text kay Heart. Tinext ko si Rufa Mae. Pero 'eto lang, matagal na po itong nangyari, mga early this year, mga March. So, I don't see the point kung bakit nilalabas pa ngayong December na magtatapos na yung taon," sabi ni Cristine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang kahapon, December 17, sa Moomba restaurant, Quezon City.
Kung matagal nang nangyari yun, bakit sa tingin niya naiintriga ulit silang dalawa ni Heart ngayon?
"I think meron yatang nagte-text ulit sa kanya ngayon. So, I don't know kung pinagbibintangan niya ako or something. Sana i-make sure lang natin na ako talaga yun. Ngayon, idine-deny ko kasi hindi naman po talaga. Pero yung before ako, totoo, ako talaga yun. Pero hindi ko nga siya directly tinext. Ang tinext ko si Rufa Mae," paliwanag niya.
So, si Rufa Mae ang nagpadala kay Heart ng hate message niya?
"Oo. Yun totoo talaga yun," sagot ni Cristine. "Hindi ko naman dine-deny yun, e. Pero yung ngayon, hindi porke't nangyari yun before, ako ulit yung ngayon, di ba? So, huwag naman tayong magbintang."
Noong gawin daw ni Cristine ang pagte-text ng hate message para kay Heart ay mag-boyfriend pa sila ni Dennis noon..
"FYI [for your information], nung time na yun kami pa [ni Dennis] noon, di ba? So, may karapatan talaga ako. Pero ngayon wala na kami, wala na akong karapatang gawin yun. Kaya hindi totoong ako yung nagte-text ngayon."
"WALA AKONG PAKIALAM SA BUHAY NIYA." Ayon kay Cristine, ang alam niya ay nagkaayos na sila ni Heart.
"Nagtataka lang ako ang tagal-tagal na nung isyu na yun, bakit ngayon lang nilabas? Okay na kami, e. Nagkita pa nga kami sa birthday ni Tita Annabelle [Rama, Heart's manager]. Ako pa mismo ang nagsabi kay Chard [Richard Gutierrez] noon, kasi kasama ko si Chard. Sabi ko, 'Ipakilala mo ako kay Heart kasi hindi pa kami nai-introduce sa isa't isa.' Tapos ipinakilala ako ni Chard. Ako pa, ako pa ang nagsabi," lahad niya.
So, feeling niya okay na talaga sila noon ni Heart?
"Oo. Kaya nga what's the point kung bakit inilalabas pa yung dating isyu, e, okay na nga kami? So, nagugulat ako ngayon kung bakit sinasabi niya na tine-text ko siya ngayon. Sigurado ba siya na ako yun, di ba? Wala naman siyang proof na ako yun. Bago na ang number ko at wala akong pakialam sa buhay niya," diretsong pahayag ng young actress.
Ano ang pakiramdam niya na dahil sa isyung ito ay lumalabas na tila hindi pa siya nakaka-move on sa breakup nila ni Dennis Trillo?
"Yun na nga, e. Parang pinapalabas tuloy na hindi pa ako nakaka-move on sa isang tao na matagal ko nang nakalimutan. So, parang ang pangit, e. Intindihin naman niya yung side ko. Alam kong galing din siya [Heart] sa breakup. So, intindihin naman niya ako na gusto kong makaalis sa lalakeng yun dahil sa isyu, ganya-ganyan. So, tantanan na ako, puwede ba? Yun lang yun sa akin. Nakakairita kasi!"
CLEARING THE ISSUE. Ilang press naman ang nagbigay-linaw kay Cristine at nagpaabot ng ilang pahayag ni Heart nang makausap nila ito sa isang presscon. Anila, hindi naman si Heart mismo ang naglabas ng isyu. May nagtanong lang daw kay Heart from the press at sinagot niya ito.
Ayon daw kay Heart, isang text lang naman daw talaga ang natanggap niya mula kay Cristine noon. Wala naman daw binanggit si Heart na meron ulit nagpapadala ng hate messages sa kanya ngayon. Ang mensahe nga raw ni Heart para kay Cristine ay sana magkatrabaho silang dalawa at open din daw ito sa pakikipagkaibigan kay Cristine.






si dennis pa ang kapal ng mukha niyang magsinungaling noon na hindi siya ang nakabuntis ni carlene aguilar para lang makapanligaw siya ng ibang babae?
so possible yun na kahit sila na ni xtine gusto rin niyang lumigaw kay heart. ginawa na niya yan kay carlene nuon.
See you guys tomorrow at SOP and Mano Po 6 Premiere night.
we still have 8 passes.., if you wanna come and watch., visit us at Heartworld official thread in pinoyexchange
team heart!!!
This Cristine is a stupid girl. Bagay ka dyan sa Ang Basurang Station. Magsama-sama kayo ng mga biased and sinungaling na hosts Boy n Kris.
Dapat talaga inalam muna ni CR kung si Heart nga ang nagkakalat.. eh hindi naman pala. Mukha tuloy siyang ewan, kung ano ano na ang mga panget na nabangit niya kay Heart. At hindi na mababawi pa dahil nakasulat na.
Yung EB kanina, sa opening, para siyang praning nagkakakanta siya ng ewan. Baka mapanood mo siya sa Pinoyonline.
sudadr
Wala ka bang alam na site kung san pwedeng mapanood ang Eat bulaga na binanggit mo. Maliban sa Youtube at pinoy24tv...
sudadr
Wala ka bang alam na site kung san pwedeng mapanood ang Eat bulaga na binanggit mo. Maliban sa Youtube at pinoy24tv...
Christine is so insecure to send hate messages to Heart. Lalo na kung inagaw niya lang din naman si Dennis kay Carlene.
And as part of showbusiness, dapat prepared na siya sa mga intriga and take it very positively, explain to the press na nagagawa talaga ng taong nagmamahal yun paminsan minsan. We can always turn negative things into positive things, it is our prerogative. Have faith girl!
So sana cristine, wag mong sisihin si heart or magalit sa kanya or masabihan man siya ng user dahil NEVER na nauna si heart na imention ang name mo sa interview, pinipilit siya ng reporters at HINDI SIYA MARUNONG MAGSINUNGALING kaya sinasabi niya yung totoo.
Sa mga reporters/Showbiz talkshows, please naman wag kayong gumawa ng intriga para pagawayin ang mga artista.
Mga tv host, sana wag kayong biased. Sumosobra na eh.