Masama raw ang loob ni Claudine Barretto sa ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez sa hindi pagsipot diumano ng aktor sa kanilang scheduled meetings kaugnay ng pelikulang pagsasamahan nila for next year.
Ayon sa kuwento na nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), apat na beses na raw hindi natutuloy ang dapat sana ay meeting nina Claudine at Mark, kasama ang big bosses ng Viva Films at Unitel Productions, na siyang magpopondo ng proyekto. Lagi raw kasing hindi sumisipot si Mark bagamat nagsabi ito sa lahat ng pagkakataon na darating siya para pormal na makipag-usap.
"The fourth meeting was yesterday [December 21] and he texted in the morning. Nagpasabi siya [Mark] na a-attend siya sa meeting, which was scheduled at two o' clock for him to apologize to Tony [Gloria of Unitel] and Vic del Rosario [Viva]... Pina-move niya at four o' clock tapos four o' clock, hindi pa din siya nakarating," kuwento ng aming source na konektado kay Claudine.
Dahil nga sa unnecessary delays ay sigurado na raw na hindi agad tatakbo ang project. Sa Enero sana ang target date ng simula ng shooting nila.
Hindi raw tuloy maiwasan ni Claudine na ikumpara ang ex-boyfriend sa mga nakatrabaho niya in the past, partikular sa iniwang estasyon, ang ABS-CBN. Matatandaang isa nang Kapuso si Claudine pagkatapos niyang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7 noong November 25.
"'Yong mga kasama ko doon [Star Magic, ABS-CBN's talent arm], kahit sobrang sikat na sila, they were all very humble and very considerate of others," narinig na sabi ng aktres.
Supposedly ay lilipad daw sana patungong Estados Unidos si Claudine para magbakasyon at upang sorpresahin ang babaeng kapatid ng namayapang aktor na si Rico Yan, na dati ring naging kasintahan ng aktres.
"But because of those scheduled meetings nga, hindi na siya nakapunta," sabi ng aming source. "She was supposed to visit Tina Yan who is very close to her. She wanted to surprise her sana. But because of these delays, hindi na natuloy and wala na siyang makukuhang tickets by now."
Nakausap naman ng PEP sa pamamagitan ng telepono ngayong hapon, December 23, ang manager ni Mark na si Paula Punla subalit tumanggi muna itong magbigay ng pahayag.
Mananatili namang bukas ang PEP sa kampo ni Mark kung sakaling handa na itong magsalita tungkol sa isyu.





Aysus!
Digital ang karma, remember? :D
Tumahimik na lang kayo kung wala kayong masabing maganda.
Lagi na lang si Claudine nakikita niyo.
Bakit ba ha?
Agh!
Keep up the good work! We love yah!
Ganda oh...
Agree ako sa inyo nanette1316 at iloveclau_693...
Wala ng ibang maisip na paninira...
Puro paninira...
Hindi naman bumibenta...
Nakakairita lang...
Hahaha!
Para lang may masabi na lang?
Hahaha...
Talaga naman!
San ka pa?
Kay claudine ka na!
:DDD
The Optimum Star!!!
totoysipa
December 26, 2009
15:15 PM Did Claudine get a taste of her own medicine? Siya ngayon ang binitin?
Mark is doing very well with his GMA shows. Career-wise, Claudine needs him more than he needs her.
Di ba Mark has medical issues, a lump somewhere in his body? I wish Mark Anthony the best and hope he gets the appropriate medical help.
=========
Di ba kayo nagtataka kung bakit umalis siya as leading man ng No.1 daw na teleserye para mag-prepare sa isang bagong teleserye. Tapos sinsabi dahil sa isang minor operation daw. Something is wrong kung nag-iisip ka. Sana hindi totoo iyong balita sa basement.