Punong-puno ng emosyon ang dating movie queen na si Amalia Fuentes nang humarap siya sa Showbiz Central noong Linggo, December 27. Tungkol sa nag-iisang anak ni Amalia na si Liezel Martinez at ang kinakaharap nitong sakit na breast cancer ang ilan sa naging paksa ng interview sa kanya ni Raymond Gutierrez.
Unang tanong kay Amalia ay kung ano ang naging reaksiyon niya at kailan niya nalaman ang karamdaman ng anak.
"Well, she called the day after I arrived from the States na may bukol siya," simula ng dating Sampaguita Pictures contract star. "So I told her, the sooner it's removed, the better her chances of getting well. Anyway, ang nangyari kasi kay Liezl, that's why she took her time because... Anyway, ito nga ang message ko sa mga kabataan na mga babae... Anna Liza [Liezel's real name] had a silicon breast enlargement and this thing will not show in an ordinary ultrasound or mammography.
"You will need an MRI which costs around P25,000. So I asked her, 'Why did you wait so long? Why you did not go with the MRI? Sabi niya, 'Kasi nanghihinayang ako sa P25,000.' Sabi ko, 'My god, Albert [Martinez, Liezel's husband] is producing film, so why can't you afford P25,000? You can even afford breast enlargement. You will not be able to afford pala MRI which every woman needs once a year.'
"Kaya ang message ko sa inyong lahat," patuloy niya, "huwag na huwag kayong magpapalagay ng mga silicon, because ako, during my last mammography, SOP na ngayon ng mga doctor, they will ask you, 'Meron ka bang silicon?' Because they will not do that kind of procedure. But now, nakikita ko, gaya-gayahan, e.
"Si Liezel siguro, na-influence ng mga kabarkada niya. Lahat sila malalaki ang mga suso. Nagugulat ako. Kaya sabi ko, 'Yan ang nakuha mo.' And maybe, that also caused her cancer. Her boobs were mutilated. Alam mo yung bubutasan kang ganun. E, sabi nga nila, sigarilyo lang masama sa cancer. E, yun pa kayang hihiwain lahat 'yan at lalagyan ng foreign body?
"Kaya ako, nandirito ako... I did not want to talk about this because I wanted to keep Anna Liza's privacy. But still, she talked about how she owes Pops Fernandez her life. Grabe naman yata yun... She owes Pops Fernandez her life? And ako, ano na lang ako sa buhay niya? I raised her like a princess, alone, by my lonesome fat self. Ang tatay niya [former matinee idol Romeo Vasquez], nawala sa buhay niya when she was two and a half years old. I worked like a horse and this is what I'm going to get in return, just a sorry..."
"NO MOTHER COULD BE BETTER FOR HER." Sa puntong ito ay pinutol muna siya ni Raymond at sinabing nais muna niyang mag-focus sa klase ng suporta na ibinibigay ni Amalia sa kanyang anak, lalo na ngayong mga panahon na may pinagdadaanan silang pamilya.
"Okay, what Liezel needs from me is financial [support] and I gave it to her," sabi ni Amalia. "Yung ipinakita niya sa TV interview niya na nagpunta siya sa Singapore, showing her with the doctor and her friend Rachel, that money came from me. Sayang nga lang at Sunday ngayon, I would have brought the P200,000 that I gave her... And three days later after the cheques were cleared, she left. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin.
"E, I offered to bring her, sabi ko, 'Kung hindi ka masasamahan ni Albert, let me go with you.' No, she left without me and I just found out she was gone. And she came back nothing for me."
Ang TV interview na sinasabi ni Amalia ay ang panayam ni Kris Aquino kay Liezel sa SNN (Showbiz News Ngayon) ng ABS-CBN, na ipinalabas noong nakaraang linggo.
Pero paano ba nila hina-handle, lalo na nina Liezel at Albert, ang bagong isyung ito?
"This issue has been ongoing because since Liezel was a baby, there have been people around her. And because I was so busy working since I am the breadwinner, the father, there are so many people na nai-insecure at siguro sinisiraan ako. Ako naman, I don't care because I know she's my daughter. And I know, when the time comes, intelihente naman siya, she will understand. All I wanted for Liezel is what she wants for her own daughter.
"Hindi niya yun ibinigay sa akin. Sabi niya, 'Gusto ko si Alissandra makapag-aral.' Ganundin ang gusto ko sa kanya. Eighteen years old siya, inilayo ko siya kay Albert dahil alam ko nga na patay na patay na siya kay Albert. Sabi ko, bago magkabuntisan, ilalayo ko na 'to. Pumunta kami sa States, ano ginawa niya? Alam na ng lahat 'yan, history.
"What about her children? If they will do the same to her, how would she feel? I just want people to know because at my age, I'm almost 70, I don't have much time to explain my side. But I want to change the perception people have of me.






Tama ka, ako din parang diko kayang ipahiya ang anak ko sa public at kalkalin ang mga issue sa pagitan namin kung meron man. Sobra naman ang bibig nitong si Amalia, umpisa pa lang noon pa sya na ang ngalngal ng ngalngal pero si Liezle ni isang masamang salita about AMalia wala kang narinig...
Paano naman yung mga magulang na pabaya sa anak....???
tulungan na lang natin itong mag-ina na magka-ayos. What can we offer is prayer...
at kung tlagang may malasakit tayo kina amalia at liezl...
ang pwede nating i-share ay prayer for the mother and daughter na sna isa sa kanila ay magpakumbaba at sna maghilom na ang sugat, at ibalik ang dating pagmamahalan. No more sumbatan!
wag niyang sabihin na hindi siya tanggap ni amalia..ang kailangan lang ni albert...magpakalalaki siya..man enough to be respected and accepted as son-in-law!
Si Amalia, ke masungit siya o hindi me puntos naman lahat ang mga pinagsasabi niya, kasi wala namang inang naghangad ng masama para sa anak niya.
Si Liezel naman, siguro since she is the only daughter, posibleng lumaki nga siyang stubborn, kaya dumating sa puntos na nagtanan siya, kasi ang akala niya siguro that is the way to improve her life.
Gayun pa man, sana magkaayos na silang mag ina bago mahuli ang lahat, bago merong mawala sa isa sa kanila.
pag nagsalita nman ay masama pa rin bkit pa nilabas pa niya ang sama ng loob.
mabuti pang magsalita dhil para i-clear mo rin ang name mo, and besides magandang babala na rin ito na wag masyadong magpadala ng sulsol galing kuno sa mga kaibigan..tingnan mo ng dhil sa payo ni pops nsa alangin ang buhay ni liezl.