"Ini-invite nga ako nina Enchong [Dee, co-star ni Erich sa Katorse at Tanging Yaman] na sumama sa Bangkok with his family and manager. E, since may work nga po ako, hindi na ako sumama. Naiintindihan naman po niya kasi nga work nga po. Siguro next time."
Nagpabili ba siya ng pasalubong kay Enchong?
"Naku, nasa kanya yun kung bibilhan niya ako ng pasalubong!" biglang tawa ni Erich.
Nami-miss niya ba si Enchong ngayong magkalayo sila?
"Siyempre naman. Well, kasi halos every day talagang kami yung magkasama. Kaya kapag wala siya, nakakapanibago."
Masasabi niya ba na si Enchong na ang pinakamalapit na lalake sa kanya ngayon?
"Yes po," sagot ni Erich. "Inaamin ko naman na siya po talaga yung pinaka-close sa akin ngayon. And si Enchong kasi napaka-gentleman niya, napakamaalaga talaga sa akin. Sweet po si Enchong."
Pero wala pa ba sa level ng love yung closeness nila?
"Siguro yung love namin sa isa't isa, hindi yung love na may romance. Pero yun po, happy kami ngayon kung ano ang meron kami... yung friendship namin and talagang bina-value namin yun."
Sabi ni Erich lumalabas na rin daw sila ni Enchong. Masasabi niya bang dating na ito?
"Puwede na rin pong sabihing dating. Pero kasama rin naman po yung ibang friends namin," sabi niya.
Open ba siya sa possibility na ma-develop sila sa isa't isa?
"Kagaya po ng sinabi ni Enchong, parang hindi naman po maiiiwasan yun, di ba? Pero right now po, hindi naman po kami nagmamadali, e. Tingnan po natin. Basta po ngayon, masaya kami na magkatrabaho kami."
XIAN LIM. Matatandaang among her three male co-stars niya sa Katorse—Enchong, Ejay at Xian Lim—si Xian ang naging vocal noon sa pagsasabing nanligaw ito kay Erich. Ano na ang nangyari sa kanila ni Xian?
"We're friends pa rin naman," tugon ni Erich. "Yun nga po, we go out naman, sometimes kasama yung mga friends namin. And I guess mas maganda na lang na magkaibigan kami kesa naman if ever na naging boyfriend ko siya, mahirap na yung marami pang kung anu-ano, di ba?"






Sana ito na ang last show mo.binigyan ka ng chance para lumaki ang pangalan mo!kasabay naman ng paglaki ng name mo eh ang paglaki rin ng ulo mo!
i was so disappointed!
kla q mbait s personal..
hmmnp..
go3x!!
Enchong and Erich!!
wuhuu!!
tska pkialm niu b qng cla let an luvteam ha??
care niu?????????????????????????
Anyway please e-mail ABS-CBN and write to all their Kapamilya forums, that you will BOYCOTT ALL THE SHOWS with Krista in it. Bakit kasi sabi nila si BRO dapat ang focus ngayon, pero ang KULASISI naman ang iniendorso nila at binibigyan ng shows? Parang pinahahalagahan pa nila ang KULASISI. Napakaraming naghihintay at naka tengga na artista sa ABS-CBN, na mas nararapat bigyan ng shows kaysa sa isang KULASISI na naninira ng pamilya tulad ni Krista RAnillo !
napaka-ungentleman ng ejay na yan, magpakalalaki sana siya. para siyang bakla na nakikipag-away sa babae. laki ng ulo akala mo naman magaling umarte. ibalik pa yan sa 10 taon na workshop!!!