Pokwang on Mo Twister's alleged "ugly" comment: "Baka pag nakita niya ako sa personal, ma-in love siya sa akin!"

Roldan Castro
Tuesday, August 31, 2010 @ 05:42PM  |  75 views


  "Buti nga ang pangit na ito nalibot ang buong mundo. Itong hitsura ko, dito gumanda ang buhay ko kaya hindi ko ito papalitan," was Pokwang's classy riposte to a hurtful comment supposedly made by DJ Mo Twister.

Photo By: Noel Orsal













Kamakailan, kakabit ng balitang babalik na si Willie Revillame sa Wowowee ay ang balitang hiniling raw niya sa ABS-CBN management na palitan na ang ilan sa mga female co-host niya, numero uno na rito si Pokwang.

Sa taping ng Banana Split ay kinuha ng  PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Pokwang tungkol dito.

"Kung yun talaga ang nararapat na gusto ng management, di tanggapin na natin, hindi ba? Tuloy lang ang trabaho. Kung may trabaho, e, di tuloy. Kung wala, e, di pahinga," turan niya.

Wine-welcome daw niya ang pagbabalik ng TV host dahil hindi naman daw niya pagmamay-ari ang show at hindi sa kanya ang ABS-CBN.  Dapat daw tanggapin kung sino ang umaalis at bumabalik.

Pero kaya ba nilang patakbuhin ang show kahit wala si Willie?

"Ilang beses na bang nawala si Kuya, hindi ba? Nandito lang kami para ituloy ang trabaho para patuloy na sumusuweldo yung mga taong mas maliit pa ang kinikita sa amin," sabi niya.

Wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Willie.

"Alam mo, hindi kami palaging ganito. Darating ang panahon talagang magkakaayos din kami. Ang hindi lang maganda kasi pinapalala ng mga nasa paligid," aniya.

Totoo bang sinabi nila ni Mariel Rodriguez na aalis sila kung babalik si Willie Revillame?

"Pag pinaalis kami, di aalis kami. Tingnan natin kung ano talaga ang mangyayari. Wala kaming sinasabing ganoon. Ayaw ko nang magsalita," sambit ni Pokwang.

TANGING INA. How true na siya na ang papalit kay Eugene Domingo sa Tanging Ina ni Ai Ai delas Alas?

"Ako na ba? Buti pa kayo alam niyo na 'yan. Ako, wala talaga akong alam na kung ano. Ang alam ko, may gagawin kami ni Ai Ai pero hindi 'yan," bulalas niya.

"Excited talaga ako. Alam naman ni Ms. Ai Ai na gusto ko siyang makatrabaho," aniya pa.

Pero okey lang ba sa kanya na second choice siya at kapalit ni Eugene kung sakali?

"Nung mag-start kasi ng Tanging Ina ay si Eugene na. Mas maganda sana kung ituloy na ni Eugene dahil tumatak na siya dun, e! Sayang. Pero kung talagang kinakailangan at Ai Ai delas Alas 'yan,  go ako," aniya.

1  2  Next »

Related Articles

150 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name