Pero magkakaroon ng comparison sa inyo ni Eugene kapag napunta sa iyo ang pelikula.
"Aba'y lagi namang may mga comparison pero kami tuloy lang sa trabaho, di ba? Masaya naman ang kinalalabasan. Manhid na kami ni Eugene sa ganyang mga compa-comparison," sabi pa niya.
HURTFUL COMMENT. Pero hindi maitago ni Pokwang ang pagkaimbyerna niya kay DJ Mo Twister dahil nakarating sa kanya na sinabi raw ni Mo na siya ang pinakapangit na host sa Wowowee.
"Oo, pangit na pangit siya sa akin. Galing yata siya sa papogian contest. Pero siya perfect, sobra.
"Pero buti nga ang pangit na ito nalibot ang buong mundo. At itong hitsura ko, dito gumanda ang buhay ko kaya hindi ko ito papalitan, di ba? Marami nga ang may gusto, ganito na lang ang hitsura ko para yumaman.
"Hayaan na natin siya dahil hindi naman kilala ang show niya. At saka busy ako para patulan pa ang mga ganyan...
"Baka pag nakita niya ako sa personal... hello... ma-in love siya sa akin," tawa ni Pokwang.






------------------------------
ang pangit galit sa kapwa pangit. naiimagine ko kung gaano ka kpanget te..yung mga artist na nagsasabi kay pokwang na panget, sila yung mga panget na msama ang loob dahil nauungusan sila ng kapwa nila panget. panget man si powang, marami nman ang ngmamahal sa kanya.
xa na yan eh.... pero love ko parin si pokwang... im sure di lang ako, majority ng BUONG PILIPINAS.