Kamakailan, kakabit ng balitang babalik na si Willie Revillame sa Wowowee ay ang balitang hiniling raw niya sa ABS-CBN management na palitan na ang ilan sa mga female co-host niya, numero uno na rito si Pokwang.
Sa taping ng Banana Split ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Pokwang tungkol dito.
"Kung yun talaga ang nararapat na gusto ng management, di tanggapin na natin, hindi ba? Tuloy lang ang trabaho. Kung may trabaho, e, di tuloy. Kung wala, e, di pahinga," turan niya.
Wine-welcome daw niya ang pagbabalik ng TV host dahil hindi naman daw niya pagmamay-ari ang show at hindi sa kanya ang ABS-CBN. Dapat daw tanggapin kung sino ang umaalis at bumabalik.
Pero kaya ba nilang patakbuhin ang show kahit wala si Willie?
"Ilang beses na bang nawala si Kuya, hindi ba? Nandito lang kami para ituloy ang trabaho para patuloy na sumusuweldo yung mga taong mas maliit pa ang kinikita sa amin," sabi niya.
Wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Willie.
"Alam mo, hindi kami palaging ganito. Darating ang panahon talagang magkakaayos din kami. Ang hindi lang maganda kasi pinapalala ng mga nasa paligid," aniya.
Totoo bang sinabi nila ni Mariel Rodriguez na aalis sila kung babalik si Willie Revillame?
"Pag pinaalis kami, di aalis kami. Tingnan natin kung ano talaga ang mangyayari. Wala kaming sinasabing ganoon. Ayaw ko nang magsalita," sambit ni Pokwang.
TANGING INA. How true na siya na ang papalit kay Eugene Domingo sa Tanging Ina ni Ai Ai delas Alas?
"Ako na ba? Buti pa kayo alam niyo na 'yan. Ako, wala talaga akong alam na kung ano. Ang alam ko, may gagawin kami ni Ai Ai pero hindi 'yan," bulalas niya.
"Excited talaga ako. Alam naman ni Ms. Ai Ai na gusto ko siyang makatrabaho," aniya pa.
Pero okey lang ba sa kanya na second choice siya at kapalit ni Eugene kung sakali?
"Nung mag-start kasi ng Tanging Ina ay si Eugene na. Mas maganda sana kung ituloy na ni Eugene dahil tumatak na siya dun, e! Sayang. Pero kung talagang kinakailangan at Ai Ai delas Alas 'yan, go ako," aniya.






just give him another chance.
Sana sa ABS-CBN Management di na nila pababalikin si Willie. Mas ok ngayon na si Luis ang nilagay.
Parang Awa na sa ABS-CBN management.
shuttle_69
July 25, 2010
19:47 PM bongga! sosyal pala at class A ang pag-mumukha na yan according sa mga kapamsss. ha ha ha. KAHIBANGAN.
---
oo kapus sosyal na yan kasi hindi class E, F, G na mga kagaya mo, si patani nag iipon pa ng pera para pang retoke at pang bleach hirapa makaipon kasi barat ang sahod hahahah mabuti ng panget basta mayaman kesa panegt na nga isa pang duka ha diba?