"Kumbaga sa kalye o sa building, we are under construction right now. So I really wanna ask everyone's understanding right now. I just want you guys to give us more time. Be patient. This is not something that you just throw away in one go," says Pia Guanio about her rumored breakup with boyfriend Vic Sotto.
Pia Guanio and Vic Sotto admit their relationship is "under construction"
Thursday, August 19, 2010
07:58 PM
Rating
"Me and Vic, we're very okay. There's nothing wrong with us. We're good."
Ito ang naging pahayag ng TV personality na si Pia Guanio tungkol sa mainit na isyung hiwalay na diumano sila ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto. Pero inamin din ni Pia na may inaayos silang problema ngayon ng comedian-TV host.
Ilang linggo na rin kasing laman ng mga pahayagan at showbiz online sites ang balitang nagwakas na raw ang halos limang taong relasyon nina Pia at Vic. Mas tumindi pa ang balita nang piniling manahimik ng dalawa, bagay na inakala ng marami na may katotohanan nga ang lumalabas na balita.
Binasag ni Pia ang kanyang katahimikan sa Showbiz Central kaninang hapon, July 18, katabi ang mga kasamahan niya sa show na sina John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at ang guest co-host nilang si Claudine Barretto.
Sa simula ng show ay ipinaliwanag ni Pia na hindi niya iniiwasan ang isyu. Dalawang linggo na kasing hinihintay ang kanyang sagot tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Vic, pero walang narinig ang mga manonood sa kanya. Noong nakaraang linggo ay wala si Pia sa Showbiz Central kaya inakala ng marami na talagang iniiwasan niya ang isyu. Paliwanag naman ng TV host, nagpunta siya sa Thailand last week para mag-shoot ng isang TV commercial.
PIA BREAKS HER SILENCE. Pero kanina ngang hapon ay hinarap at sinagot na ni Pia ang matagal nang pinag-uusapang isyu.
"This is what I wanna say about it," simula niya. "Wala po kayong kailangang ikabahala, or you have nothing really to worry about because me and Vic, we're very okay. There's nothing wrong with us. We're good. Even our working relationship in Eat Bulaga! has not been affected in any way.
"Of course, I have do have to admit na just like any other relationship, there are ups and downs, you go through rough patches... That's why I had to keep quiet because I didn't want too many people to get involved. I want to fix it muna, and we're in the process of doing that."
Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Pia na tumulo ang kanyang mga luha.
Patuloy niya, "Kumbaga sa kalye o sa building, we are under construction right now. So I really wanna ask everyone's understanding right now. I just want you guys to give us more time. Be patient. This is not something that you just throw away in one go. It's hard enough as it is for both of us without ten gazillion people giving their opinion, making up stories, getting involved...
"I'm glad you guys have been very patient with me, understanding my silence all this time. I have not been [dishonest] at any particular time. I've always been straight up with everybody. And I'm just thankful that Vic and I are still good. And I'm very, very happy for that."
VIC ALSO GIVES HIS SIDE. Pagkatapos ng pahayag ni Pia, na hindi pa rin matigil ang pagtulo ng kanyang luha, ay nakausap din ng Showbiz Central si Vic sa pamamagitang phone-patch interview.
"Ano bang kaguluhan ito? Parang medyo may narinig akong umiiyak diyan?" nagbibirong sabi ni Vic sa kabilang linya.
Tinanong siya ni Raymond kung may gusto pa siyang idagdag sa sinabi ni Pia tungkol sa nababalitang breakup nila.
"Palagay ko malinaw na yung sinabi ni Pia, e, na we're good, we're okay. Kasi minsan yung mga espekulasyon, na walang imbestigasyon, e, minsan nakakagulo sa isang relasyon. Kaya ang pinakamaganda, kausapin na lang natin si Alion Cion! At yung sapatos ni Cion, lagyan natin ng biton... Kikintab 'yon!" natatawang biro ni Vic.
Pero patuloy niya sa seryosong tono, "Hindi, ibig sabihin, sa isang relasyon na parati mo namang sinusubukang pagandahin, parang yung sapatos na pinakikintab parati. So, tulad ng sinabi ni Pia, like in any normal relationship, there will be differences pero it's not something that hindi kayang ayusin.
"I don't know how it started, 'wala na kami, may bago'... Ako, aminado ako may bago ako—bagong kotse!" tawa niya ulit sa kanyang sariling biro.
Dagdag pa ni Vic, "No, we're okay, kidding aside. Wala namang problema. I don't even consider it a major problem. In other words, konting tampuhan, binigyan ng masamang kahulugan ng ilang tao hanggang sa lumaki nang lumaki. Yung tampuhan parang naging away, yung away naging hiwalayan. That's all I have to say.
"Para matapos na ang tensiyon, tayo'y magrekonsolasiyon," pahabol pa niya na ikinakilig ng mga tao sa loob ng studio.
Tinanong ni Sweet si Vic kung anong klaseng panunuyo ang ginagawa niya kay Pia.
"Si Pia ang tanungin mo, ako ang sinusuyo niya!" biro niya ulit. "Hindi, wala namang suyuan na dapat mangyari. Kasi kung anuman yung naging tampuhan namin, kung anuman ang magiging desisyon namin, e, nasa aming dalawa na 'yon. And right now, that's all we can tell everybody, that we're good, we're okay. We're having a lifetime.
- Pia Guanio confirms marrying Steve Mago in an "intimate ceremony" last October 1
- Pia Guanio on engagement to Steve Mago: "I'm glad I've finally found a person who can be your partner in life."
- PEP EXCLUSIVE: Pia Guanio answers latest issues straight from Vancouver—marriage rumors, kissing photos, Bossing Vic
- Pia Guanio feels peaceful and happy as she celebrates her birthday
- Pia Guanio will decide when she's ready for marriage and babies
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Heart Evangelista and Daniel Matsunaga: "We are still together!"
- Daniel Matsunaga says Heart Evangelista's rich family is not a factor in asking her hand in marriage
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
-
Health and Beauty
PEP EXCLUSIVE : Ronnie Liang talks about maintaining his lean frame
What did he do during his break from showbiz?
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Advertisement

