Live na nag-guest ang Brazilian TV host-actress na si Daiana Menezes sa Showbiz Central noong Linggo, November 6, para isalaysay ang sunog na nangyari sa kanyang Quezon City condominium unit.
Naganap ang sunog noong Sabado, November 5.
Alas-kuwatro ng umaga nang magising si Daiana at natuklasang nagliliyab na ang condo unit niya.
Nagsimula ang apoy sa isang scented candle na naiwanang nakasindi habang tulog si Daiana.
Agad na kumalat ang apoy hanggang sa inabot na ang kanyang appliances, na ipinundar niya sa halos anim na taon niyang career dito sa Pilipinas.
Nang magising si Daiana, agad nitong nakita na umabot na ang apoy sa kanyang sariling kama at halos masunog na ang kanyang suot na pantulog.
SECOND CHANCE. Kinumusta muna ng Showbiz Central host na si Pia Guanio ang kalagayan ni Daiana ngayon.
Saad ni Daiana, "Okay lang, it's time to, you know kasi... that God gave me a second chance, so parang...
"I'm very thankful kasi nga kung nakikita ninyo sa mga pictures, parang the side that I was asleep is actually... my unan.
"I was holding that unan, yung red na 'yan, and ako lang ang hindi nasunog.
"Yung ibang bagay, lahat naman talaga, nasira."
Ipinakita during Daiana's live interview ang mga larawan kung saan kitang-kita na sunog ang kanyang kama at ang kanyang pulang unan.
Pati raw si Daiana mismo ay nasaktan sa sunog.
"Yes, actually, parang for me... ang dami kasing nangyari, lately ang dami kasing nangyari sa buhay ko.
"But for me, I will not take it as... I'll just take it as a challenge or as a second chance that God gave me, na parang, 'Look, life is worth fighting for!'




0

