Alfonso Martinez's family tree is literally star studded. The 20-year-old actor comes from a long line of movie stars, including his parents Albert and Liezl Martinez, and grandparents Amalia Fuentes and Romeo Vasquez. Photo: Noel Orsal

Nagbabalik-showbiz ang only son nina Albert at Liezl Martinez na si Alfonso Martinez pagkatapos ng mahigit sampung taon. Matatandaan na unang lumabas si Alfonso bilang child actor sa sitcom ng kanyang tito na si Aga Muhlach na Oki Doki Doc sa ABS-CBN.

Isa si Alfonso sa limang bagong contract artists ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con na ibinigay sa kanila ng Star Magic last June 19.

Showbiz greats ang nananalaytay sa dugo ni Alfonso kaya hindi imposibleng balikan niya ang natigil na pag-arte niya sa harap ng kamera. Bukod sa ama niyang si Albert at uncle na si Aga, na parehong multi-awarded actors, si Alfonso ay apo ng dating movie greats na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez. Dalawa pang tiyuhin niya na artista ay ang kapatid ng kanyang ama na si William Martinez at ang dating Child Wonder na si Niño Muhlach.

"Well, in our family nga, tatlong Muhlach na magkakapatid—there are two brothers and only girl si Lola [Amalia]. ‘Yong isang brother niya [Cheng Muhlach], may Aga Muhlach; the other one [Alex Muhlach] has Niño Muhlach. Parang we will joke around. My Lola will say, ‘Ano ba naman? Wala bang mag-aartista sa side ko?'" nakangiting kuwento ni Alfonso.

"Kasi my two sisters [Alynna and Alyssa], wala, e," patuloy niya. "Parang like si Tito Aga, sasabihin din niya sa amin, ‘Ano? Wala bang itatapat sa inyo?' We always joke around about that."



Aminado si Alfonso na malaking challenge para sa kanya ang pagbabalik-showbiz, lalo't kung iisipin na pawang mahuhusay na artista ng kani-kanilang panahon ang kanyang grandparents, ang kanyang ama at tiyuhin, at ang kanyang mga pinsan.

"I told my Dad but he was more on, like, you know, ‘Alfonso just give it a try lang.' Medyo hesitant ako at first kasi I never tried acting. Medyo nahihiya. Then, when I was attending workshops, like medyo I'm enjoying doing it.



"Kasi when I was in Oki Doki Doc, when I was a kid, it was for fun lang. So, I never did serious acting. Then, when I'm doing workshops, like for the past months, I'm really enjoying it. That's something I'm really looking forward to.

"I told my Dad na parang, ‘Papa, I'm enjoying it.' Then he said, ‘Okay. Pursue it.' Basta for him lang, take it seriously. ‘If you're gonna do it, take it seriously lang and I want you to do it because you want to and not kasi I'm forcing you to do.'



"My Dad is so dedicated and he works hard for it. And that's something na, I don't believe acting is inborn. Like for now, when people ask: ‘Do you think na kaya mo like your Dad?' For me, siyempre I want to surpass him, but I'm not saying now na kaya ko. I'm sure it will take more workshops, more practice. Maybe in the future, di ba?" mahabang pahayag ni Alfonso.

Hindi pa raw alam ng Lola Amalia niya na nagbalik-showbiz na siya habang kausap namin sa press con. Since December daw kasi ay nasa United States ang lola niya at biyahe nang biyahe. Although, nag-i-email naman daw sila.

"I don't know how she's going to react. But she always wanted this for us," sabi ni Alfonso.

"My Lolo Bobby [Romeo Vasquez]," patuloy niya, "I saw him in L.A. I never called him Lolo lang, it's always Lolo Bobby. I saw one of their [Amalia and Romeo] movies before. When I went to my Lolo Bobby's house and he's keeping old pictures and I was like, ‘Hey, Lolo Bobby, who's that sexy girl? She's hot!' And he said, ‘That's your Lola.' ‘Ows! She's sexy. She's hot pala before.'"



Naapektuhan ba si Alfonso nang magkaroon ng gap ang Lola Amalia niya at ang kanyang parents?

"No naman," mabilis na sagot ni Alfonso. "Kasi for me naman, whatever happens, she's my Lola naman, e. I visit her pag Christmas. I always text, we always hang out. So I never let it directly affect me na lang. No matter what happens, she's my Lola and I love her naman. We're family naman."



Lumabas din noon sa mga interviews na ipamamana ng Lola Amalia niya lahat ng kanyang properties sa kanyang mga apo, especially kay Alfonso na favorite diumano ng dating Movie Queen. Totoo ba ito?



"I don't know. I don't ask her. I'm scared naman to ask her that," nakangiting sagot ng binata.



Sinubukang tumira at mag-aral sa US ni Alfonso, pero na-realize niya na mas gusto niya rito sa Pilipinas. Nag-enroll siya sa kursong Computer Graphics Design sa US, pero tumigil siya. Pagbalik niya ng Pilipinas, dala na niya ang transcript niya and he plans to enroll next semester.

Alfonso just turned 20 last May 19. Mas masarap pa rin daw ang kanin at sisig na paboritong paborito niya rito sa atin kahit may Pinoy restaurants doon sa US. Pinoy dishes daw talaga ang gusto niya.

Three weeks ago ay umalis ang parents ni Alfonso papuntang Italy. While his eldest sister na si Alyanna went to the US for vacation after graduating from college. Kaya sila lang ng youngest sister niya na si Alyssa ang naiwan dito.

"But she slept for one week kay Tita Gretchen's [Barretto] house. She's close to Dominique," pagbabalita ni Alfonso.



Mas type rin daw ni Alfonso ang mga Pinay.



"Girls here are conservative. I like yung nililigawan ko. I enjoy that."



Nagkaroon na raw siya ng girlfriend when he was in high school. Pero umalis yung girl at nagpunta sa Switzerland. Kaya ngayon ay loveless si Alfonso.



Ilan naman sa mga entertainment press ang nagtanong sa kanyang kung virgin pa si Alfonso at mabilis naman ang sagot niya ng "Yeah!"