Mickey Perz, who was born and grew up in Europe, was the first runner-up in Pinoy Big Brother Season 2 and is now an ASAP regular. He intends to use his winnings partly in realizing his dream to build a dance school. Photo: Noel Orsal


Ipinanganak sa Vienna, Austria ang 23-year-old Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 1st runner-up na si Mickey Perz, pero lumaki siya sa Germany at Switzerland. Sa kabila nito ay magaling pa ring mag-Tagalog si Mickey dahil na rin sa kanyang ina na taga-Alcala, Pangasinan.



Kuwento ni Mickey, kahit na sa Europe siya lumaki, hindi niya nakalimutang magsalita ng Tagalog. Madalas rin daw silang magbakasyon sa Pilipinas noong teenager pa siya, kaya gusto niya ay naiintindihan niya ang mga conversations ng mga kamag-anak niya rito.



"I have no problem understanding Tagalog. I can speak it pero hindi masyadong maayos. I still have the accent, pero I want to speak it fluently. Gusto kong maging matatas sa pagsalita ng Tagalog. Is my Tagalog grammar right? I will still take up Tagalog lessons," nakangiting pahayag ni Mickey.



Sa business school na HVA Didac sa Europe nakatapos ng business course si Mickey. Nakapagtrabaho na rin siya bilang analyst sa computer company na Unisys at nahawakan din niya ang accounts ng website ng Ebay.



Sa Milan, Italy pa raw nag-audition si Mickey for PBB 2 after siyang pilitin ng kanyang relatives to give it a try. Nakapasa naman si Mickey at naging first runner-up nga sa Big Winner na si Bea Saw.

Hanggang ngayon daw ay na kay Mickey pa rin ang P500,000 check niya. Plano raw niyang tulungan ang ibang pinsan niya rito sa Pilipinas at gusto niyang matupad ang dream niyang makapagtayo ng isang dance school.



"I really love to dance," sabi niya. "Hip-hop is my forte but I know lots of dance styles as well. I can use part of the money to fulfill my dream. But I have to work as well and save up kung gusto ko na maganda ang dance school. Right now, I'm a regular in ASAP where I get to teach televiewers new dance steps every week."



Pina-partner si Mickey sa PBB 2 co-housemate niya na si Gee-Ann Abrahan. Pero ka-love triangle naman nila ang isa pa nilang housemate na si Bodie Cruz. Okay lang daw kay Mickey na may kahati siya sa team-up nila ni Gee-Ann. Part daw iyon ng trabahong pinasok nila.



"As long as we enjoy ourselves working with each other, there's no problem. The more, the merrier, di ba?" pahayag ni Mickey.