Kabilang na ang 1999 Miss Universe first runner-up na si Miriam Quiambao sa pool of talents ng Royale Era, ang talent management na pinamamahalaan ni Annabelle Rama. Kaya naman sa thanksgiving party na ibinigay ng Royale Era para sa entertainment press kagabi, January 20, sa Imperial Palace Suites ay kasama na ni Miriam ang iba pang talents ni Annabelle, kabilang ang anak nitong si Ruffa Gutierrez.
Ayon kay Miriam, ngayon pa lang yung masasabi niyang naka-move on na siyang talaga from her separation with Italian businessman Claudio Rondinelli. Nagpakasal sila noong December 2004 at nanirahan sila sa Hong Kong, pero naghiwalay rin sila noong 2006.
"Ngayon pa lang talaga ako nagko-completely healed. Since 2006, June na ako bumalik, so ngayon pa lang. I'm happy, although hindi ko nga rin alam kasi kung makita ko na naman siya, di ba?" sabi ni Miriam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Meron pa rin ba silang communication ni Claudio?
"Oo, meron, through our lawyers," sagot ni Miriam. "Pero ano, minsan, tatawag siya. Pero madalang...birthday, ganyan."
Ano na ang status nila ng ex-husband niya?
"May divorce doon [Hong Kong] at church annulment dito [sa Pilipinas]. Kaso ang tagal, e. Pero naghihintay, hindi ko lang alam how long will it take."
REGRET. Hindi naman itinanggi ni Miriam na dumating din siya talaga sa point na nakaramdam siya ng pagsisisi kung bakit nagpakasal siya.
"There was a time, oo, nagsisi ako. Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba ‘to? Iniwan ko ang career ko para rito.' Pero looking back, it made me stronger din talaga. Parang at the end, magsisisi ba ako? Hindi, e. Pero ina-admit ko na there was a point na nagsisisi ako. But looking back, taking the lessons that I've learned, I've become a really stronger person.
"Ngayon, mas alam ko na kapag namimili ako ng partner, ‘eto na ang gagawin ko. Friends muna kami, kikilalanin ko talaga siya, inside and out. Kilala, meaning hindi lang puro yung best foot forward. Titingnan ko rin kung ano ang ugali niya. If he will be a good partner for me. Kumusta ba ang dynamics namin. Magbi-blend ba ang personality namin. Are we moving on the same direction? Will he be a good father, a good provider? Lahat ‘yan importante, e. Hindi mo malalaman ‘yan in just a few days. Kailangan talagang kilalanin mo yung tao," saad ni Miriam.
Naniniwala pa rin siya sa marriage?
"Of course! I believe in marriage," mabilis niyang sagot.
Hindi ba siya nagkaroon ng phobia?
"Meron, meron din," pag-amin niya. "I've been dating, pero parang nararamdaman ko na masakit. Parang natatakot ako to jump into a relationship, parang ganoon."
HEALING PROCESS. Paano yung naging healing process niya? Kung titingnan kasi siya, she seemed to have carried it very well.
"Oo, pero hindi n'yo lang alam," sabi niya. "Siyempre, sa harap ng TV, haping-happy ka kasi happy yung mga show ko. Pero kunwari, when I just moved here, nagho-host ako ng travel show, ang saya-saya ko. Pero back in my room, iiyak ako. Hindi ako makatulog. Super depressed ako.






Give her a chance...kung may exposure nga naman sya via Wowowee, she will move on,kakawala ng lungkot.At kung may teleseryeng masasaali sya,better start yet in MMK. Magandang training ground ang MMK for newbies.Magagamit pa nya ang pagiging heartbroken nya para paghugutan ng emotion nya,just like what Kris told Ruffa,iba ang may sad experience it helps you become a good actor.
So,gooodluuuuuck MQ !!!!
bakit ano ka dati, Atheist? kala ko ba kinasal ka sa simbahan? So you did not believe in Christ before you joined VF?
+++++
Baka sinasabi mo Pinoy hindi yung ibang NAtionalities.Pinoy lang naman naonood ng Pinoy Channel.
Si Willie nag uumpisa na namna mag asar sa GMA nung fitrum finale.
Si Joey hindi ko pa narinig.
1:0 na para lang malaman ng lahat kung sino naguumpisa.
Wowowee at mukang type ka ni Willie at
tinatanong ka kung may boyfriend ka.
At si Gabby naman sobrang naasar kay Willie halatang halata naman. Kasar asar naman yung sinabi ni Willie sa kanya.
di ba miriam? ikaw na rin ang nag sabi.
Miriam napansin ko magnda ka magsalita nung nasa WOWOWEE ka..
kung lilipat ka man sa Kapamilya, ok lang at least makikita ka na sa BUONG MUNDO di lang dito sa Manila di ba? Tama ka nga eh.. ibang iba tlga ang WOWOWEE worldwide tlga..
O panu yan Willie mas dadami ang bibili ng YES Mag dahil sa yo lang... hahahaha congrats..
wag kn sa wowowee..
bababa tingin sayo ng tao.
sa ibang show kn lang ng gma o abs
wag lang sa wowowee...plsss???!!!