Aljur Abrenica on reports linking him to Rich Asuncion: "May ebidensiya po ba sila?"

Rose Garcia
Wednesday, September 23, 2009 @ 03:36PM  |  21982 views


From the successful sinenovela Dapat Ka Bang Mahalin to the primetime project All My Life, Aljur Abrenica will now try his luck in films with screen partner Kris Bernal via nandito Ako.   When asked if he's nervous, the 19-year-old hunk describeds the feeling as "mas excited."

Photo By: Noel Orsal













"Hindi mo pala mahal si Kris," ito ang bungad agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur Abrenica sa press conference ng launching movie nila ni Kris Bernal na Nandito Ako...Nagmamahal Sa 'Yo sa Imperial Suites kahapon, ika-22 ng Setyembre.

Nangiti ito agad dahil naalala niyang "lie" ang lumabas sa lie detector nang mag-guest silang dalawa ni Kris sa Showbiz Central.

Aniya, "Ayon sa lie-detector...kaya nga po tinatanong ko kung 100 percent accurate ba siya. Tinanong ko agad si Kuya, ano ba kuya, 100 percent ba 'yan?  Kasi, hindi ko ine-expect na magla-lie siya.  Siguro dahil kinakabahan lang po talaga ako noon. 'Tapos, medyo kumikirot pa po ang kamay ko."

Naka-benda pa ang left hand ni Aljur nang dumating sa presscon. Aniya, aabutin pa raw siguro ng three weeks bago ito tuluyang tanggalin.

"Naka-fiber glass lang siya na nakapatong, pang-support lang. Kapag tinanggal 'to, matatanggal din po."

Ano nga ba ang nangyari?

"May fight scene po kasi sa eksena, konting fight scene lang sa All My Life. Kaso, pagkasuntok ko kay Paolo (Avelino), nagkamali. Tumama sa pader, sa may bahay. So, hindi ako nagsasalita na masakit, tuloy ang eksena. Wala pa rin akong nararamdaman noon. Pagkakita ko, bumukol bigla. Parang holen siya.

"Okey lang ako, nagbibihis ako nang makita nila Direk, sinabi nila na isugod na sa hospital. Pagsugod nga po, yun nga po, na-fracture nga raw."

Ang kanyang aksidente, bagamat sa kaliwang kamay, ay hassle pa rin.

"Medyo nakakaka-istorbo rin po kasi ang cast na ito dahil sa pagligo nga po...Yung time management, pagkain, pagbihis."

Kahit daw sa mismong movie nila, mapapansin na hindi niya halos ginagalaw ang left hand niya dahil sa nangyaring aksidente.

REEL PROJECT. Ilang araw na nga lang at ipalalabas na ang movie nila, sa ika-30 ng Setyembre. Kinakabahan na ba siya?

"Hindi ko pa po maramdaman. Basta ngayon, ang nararamdaman ko po, very excited po.  Siguro yung kaba, kapag dumating na lang ang araw ng premiere night, doon ko pa lang mararamdaman.

"Kasi yung mga tao, titingnan ko yung mga reactions nila sa mga eksena. Saan maganda. Excited..."

Malaking bagay raw para kay Aljur na ang nagdirek sa kanila mula pa sa telebisyon ay si Direk Maryo J. delos Reyes.

1  2  3  Next »

Related Articles

95 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name