Aljur Abrenica on reports linking him to Rich Asuncion: "May ebidensiya po ba sila?"

Rose Garcia
Wednesday, September 23, 2009 @ 03:36PM  |  21982 views


From the successful sinenovela Dapat Ka Bang Mahalin to the primetime project All My Life, Aljur Abrenica will now try his luck in films with screen partner Kris Bernal via nandito Ako.   When asked if he's nervous, the 19-year-old hunk describeds the feeling as "mas excited."

Photo By: Noel Orsal













"Isang napakagaling na director po talaga. Na Dapat Ka Bang Mahalin pa lang, isa na siya sa pinaka-hinahangaan kong director. Professional, lahat-lahat. Basta makinig lang po kayo sa kanya.  At saka si Direk Maryo, hindi lang siya nagdidirek, inaarte pa niya.  Parang spoiled na spoiled nga po kayo. Ginagawa niya ang eksena 'tapos, gayahin mo lang siya."

Dugtong pa niya, "Napaka-grateful po talaga namin. Siya pa po ang nag-request na gawan kami ng movie kay Mother Lily Monteverde, kaya talagang masasabi ko na mahal na mahal ko talaga si Direk."

Napag-uusapan ba nila ni Kris ang mga nangyayari sa career nila, halimbawa nga ay itong launching movie nila? Ito na nga ba ang tamanag panahon para sa kanilang tambalan? Hindi ba sila nabibilisan na makalipas ang dalawang taon ay pinagkakatiwalaan na sila sa mga malalaking proyekto?

"Napag-uusapan po, pero, ako po kasi, sa amin ni Kris, siyempre, kailangan pong pag-usapan yun. Minsan, napag-uusapan namin. Pero ako, as much as possible, gusto ko munang ilayo run.  Gusto ko munang ilayo ang isip ko pansamantala na enjoy muna tayo. Na normal naman tayo.

"So, umiiwas talaga ko sa mga usapang ganoon. Maganda rin namang pag-usapan, pero ako, more on enjoy muna."

Kuwento ni Aljur, may naririnig na raw siyang possible follow-up project nila ni Kris, at sa primetime block na this time.

"May naririnig po ako. Meron daw po kami sa gabi. Sa primetime na raw po talaga. Pero hindi ko pa po alam kung ano at kung sigurado na. Baka mamaya mag-change. Actually, naririnig ko pa lang po talaga."

Their movie could make or break their tandem, ready na ba sila?

"Para po sa akin, lahat ng makakaya namin ni Kris, ibinigay po namin sa movie na ito. Kung anuman po yung maging resulta, para sa akin po, parang God's plan na rin po. Kung mag-break man at paghiwalayin kami as loveteam, para sa akin, the Lord's plan na rin po siguro yun.

"Pero lahat po ng makakaya namin, ibinibigay po namin sa isang bagay."

THE REAL DEAL. Tinanong namin si Aljur kung bakit nga ba hindi nila masabing official na sila ni Kris gayung pareho naman nilang sinasabing mahal nila ang isa't isa?

"Siguro po, ine-enjoy lang namin yung kung anuman ang meron kami ngayon," nakangiting sabi ni Aljur.

Hindi rin kasi mamatay-matay ang isyu sa kanya at kay Rich Asuncion.

"Well, hindi ko nga po alam. Actually po, kahit ako po, nagtataka rin kung bakit nga ba may ganung isyu. Parang, saan po ba nanggagaling? May ebidensiya po ba sila? Kasi po, hindi naman po kami lumalabas ni Rich na magkasama. At kahit paano, nakakahiya na rin po sa tao kasi, parang minsan, siguro siya na rin ang umiiwas dahil baka maakusahan siya na sumisira ng loveteam....

"Pero wala po talaga. Siguro po yung dati, inamin ko naman po. Pero ngayon, si Kris lang po talaga."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

95 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name