Kasalukuyang nasa Singapore ngayon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa promotion ng DVD version ng pinagsamahan nilang telefantasya sa GMA-7, ang Dyesebel. Alas-kuwatro kaninang madaling araw, October 30, sila umalis.
Mag-i-stay sila roon hanggang bukas, October 31. Sa November 1 hanggang 2 ay pupunta naman sila sa Malaysia. Magkakaroon din sila ng shows at fans day sa naturang mga bansa. Sa Martes, November 3, na raw ang balik nila sa Pilipinas.
Kuwento ni Marian, "Kasi ni-request kami ng mga tao doon para sa Dyesebel, kasi nailagay na siya sa DVD. Request kasi ng mga tao doon na sana makita nila ulit kami ni Dingdong together. So, dalawang araw sa Singapore, dalawang araw sa Malaysia. Tapos, uuwi na ulit dito. Tapos, taping na ulit. Naghahabol kasi kami dahil masyadong madugo ang Darna."
Nakausap ng PEP (Philippine Etertainment Portal) at iba pang press si Marian sa taping ng Darna kahapon, October 29, sa St. James Church sa Plaridel, Bulacan.
NUMBER ONE. Hindi na talaga matawaran ang kasikatan ngayon ni Marian. Balik siya sa pagiging Primetime Queen dahil simula nang mag-umpisang umere ang pinagbibidahan niyang Darna sa GMA-7, hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa Metro Manila ratings. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Talaga? Minsan kasi hindi na ako nakakatanggap ng ratings sa sobrang dami ng trabaho ko, hindi ko na napapansin. Pero pag may napagtatanungan ako, ano ba ang ratings, natutuwa naman ako kasi at least number one pa rin sa ratings," nakangiting pahayag niya.
Aminado naman si Marian na malaki ang naging epekto sa ratings ng nangyaring trahedya noong bagyong Ondoy, kung saan malaking parte ng Metro Manila ang nawalan ng kuryente.
"Oo nga, e, ang dami ngang nagte-text kay Ate Vangie, sa handler ko, na, 'Naku, pakisabi kay Yan-yan [palayaw ni Marian], hindi kami nakakapanood kasi walang kuryente.' Ang tagal din nilang nawalan ng kuryente. Yung ibang parte nga ng Marikina, sabi, hanggang ngayon wala pa ring kuryente."
Marami pa raw dapat abangan sa Darna, gaya na lang ng kinunang eksena during our set visit—ang wedding scene nina Narda at Eduardo, played by Mark Anthony Fernandez, na guguluhin nina Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Babaeng Tuod (Francine Prieto). Mas tumitindi pa raw ang mga eksena lalo na nga't mas dumadami pa ang mga kalaban ni Darna.
"Si Cobra kasi natalo ko na. Pero may iba pang kalaban na si Zandro ang pangalan, na si Paolo [Contis] din yun. Tapos ayan, matatalo ko na si Babaeng Tuod at si Babaeng Lawin, pero papasok naman si Linta [Maggie Wilson]. Tapos pag natalo ko si Linta, papasok na ulit si Valentina [Iwa Moto]. So, ang dami-dami, sunud-sunod sila. Si Serpina, lalaki rin at magiging kalaban ko."
Tumitindi rin daw ang mga fight scenes ni Marian.
"Ayan, may panibago na naman akong sugat at saka pasa. Hindi kasi talaga maiwasan, e. Kasi kahit naman sina Direk Dom [Dominic Zapata], ayaw din naman nila na masusugatan ako. Pero wala, e, pag fight scene talaga at bigay todo ka, hindi mo naman maiwawasan na sana huwag kang masugatan, huwag kang maano. So, sige, basta fight scene iba-block ni Direk, tapos gagawin na lang," sabi niya.
KATRINA & DENNIS. Nadadagdagan din ang mga bagong tauhan na pumapasok sa istorya ng Darna. Nabalita pa nga na papasok na rin sa Darna sina Katrina Halili, bilang bagong kontrabida, at si Dennis Trillo, na kababata ni Narda. Kinumpirma naman ito ni Marian at na-excite daw siya dahil makakatrabaho ulit niya ang dalawa na kasama na niya sa ibang projects noon.
Ano ang feeling niya na yung tandem nila ni Katrina as bida at kontrabida ay bumalik dito sa Darna?
"Nakaka-excite kasi nagsimula yun sa Marimar, e, siya yung kontrabida ko. This time, ganun ulit. 'Sige,' sabi ko, 'exciting 'yan,'" sambit ni Marian.






Merry Christmas!
hahahaha
OMG
SHINING INHERITANCE, makikita na ba ni Yna ang kanyang nawawalang kapatid? Mabubuo na ba silang mag-aama? Magbabago na ba ang suwail na tagapagmana ng isang mayamang pamilya?
Mon- Ripley’s Believe It OR not
Tue- OC to The Max
Wednesday- Wow Hayop
Thursday- SRO
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Ang pagpwersa ni Fernando Jose kay Rosalinda na umuwi na. Makikilala na nga ba ni Fernando Jose ang kanyang tunay na ina? Ano ang mga mangyayari sa nalalapit na pagtatapos?
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, sa paglaya ni Eliza maibabalik na ba nya ang dating pamilya? Anong mga plano nina Sofia laban sa kanya? Maniwala kaya kay Eliza ang papa at lola nya sa kanya?
24 ORAS