Jake Cuenca excited to work with Cristine Reyes again, with past intrigue behind them

Rose Garcia
Monday, November 16, 2009 @ 07:47PM  |  3477 views


    "Sa akin lang, I'm just really thankful na grabe yung trust na ibinibigay sa akin ng network. Grabe yung tiwala, yung paniniwala nila sa akin. So, with that, nandun ako sa ayoko silang biguin. I just want to be a good soldier, a good actor in my network, and I want to represent my network in a good way," says Jake Cuenca.

Photo By: Noel Orsal













"Wala... wala namang isyu talaga," muling-sabi ni Jake na nakangiti.

SINGLEHOOD. May isang taon na ring single at walang karelasyon si Jake. Natawa ito nang sabihin naming himala at nakatatagal siyang  single pa rin.

"Nakikipag-date naman kapag may chance. Okey pa naman ako ngayon. Sa tingin ko, darating din naman ang tamang babae. At habang wala pa yung tamang babaeng yun, hindi naman bawal makapag-date. Wala namang masama dun," sabi niya.

Hindi ba siya nalulungkot na okay nga ang career niya, pero sa lovelife naman ay tila bokya siya?

"Hindi nga, e, bumingo-bingo naman ako sa mga lovelife ko noong nakaraan!" natatawa niyang sabi. "Okey naman ako. Masaya naman ako at blessed naman ako sa career ko. Sobrang thankful ako at talagang tsine-cherish at inaalagaan ko yun.

"Pagdating naman sa lovelife, I'm only 21 years old. So, hindi naman ako nagmamadali. Parang hindi naman ako pressured to have a serious relationship. Actually, madali naman. Kapag preoccupied ka, madali. Mahirap lang siguro yung wala ka na ngang trabaho, wala ka pang lovelife. Sobrang hirap talaga nun."

MELISSA RICKS. Ano na nga ba ang nangyari sa napabalitang panliligaw niya kay Melissa Ricks?

"Friends lang naman talaga kami... hindi na lumayo more than that. Hanggang dun lang," sabi niya.

Hindi na niya itinuloy ang panliligaw sa dalaga?

"Mali rin naman kasi ang timing," sambit ni Jake. "So, okay na yun. Sa ngayon naman, ako, parang masayang-masaya ako para sa kanya. Marami siyang projects and I wish her all the best for Agimat [Pepeng Agimat]. 

"Sa ngayon, as a friend, I'm proud of her. After [Kambal Sa] Uma, tuloy-tuloy pa rin ang projects niya. So, go, go lang. At saka, kung meron man siyang mahanap na lalaki in the future at alam niyang deserving na maging boyfriend niya, then I wish her all the best. Para sa akin, napakasuwerte ng lalaking yun."

May usap-usapan na against sa kanya ang mommy ni Melissa kaya siya tumigil. Totoo ba ito?

"Hindi naman... mali lang ang timing," ulit niya.

IMPORTANT KAPAMILYA STAR. Pagkatapos ng Tayong Dalawa at iba pa niyang projects sa ABS-CBN, masasabi na ba niyang isa siya sa maituturing na important stars ng network?

"Sa akin lang, I'm just really thankful na grabe yung trust na ibinibigay sa akin ng network. Grabe yung tiwala, yung paniniwala nila sa akin. So, with that, nandun ako sa ayoko silang biguin. I just want to be a good soldier, a good actor in my network, and I want to represent my network in a good way.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

36 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name