Gov. Vilma Santos celebrates her birthday with simple salu-salo

Mell T. Navarro
Wednesday, November 04, 2009 @ 07:51PM  |  636 views


  "In two years... hindi mo pa magagampanan lahat ng mga pangangailangan [ng Batangas]. Kasi on the third year, hindi mo pa naman mapapakinabangan. Kamukha ngayon, tingnan mo, o... Busy na naman sa mga eleksyon. 'Yon na ang usapan, imbes na puwede pa kaming magsilbi, di ba? So, very limited. Gusto ko, yung continuity ng mga programang meron pa ako dito sa Batangas," says Batangas Governor Vilma Santos about persistent rumors that she will be running for vice president next year.

Photo By: Noel Orsal













"May mga nagpapa-float lang din diyan [ng news], hine-headline talaga nila... Pero yung sasabihin mong formal o official na official, wala naman talagang gano'n," sabi ni Vilma.

Kinumpirma naman ni Gov. Vi na ang tatakbo for a national position sa 2010 elections ay ang mister niyang si Ralph Recto.

"Definitely, kasi si Ralph will be running for a Senate seat again... he is my mentor. If they're saying that I'm doing a good job, he is my mentor. And definitely, I will support him 110 percent," saad ni Ate Vi.

Sa report naman ng TV Patrol World kagabi rin, ibinalitang tila nakahinga na nang maluwag si Vilma dahil sa wakas ay tumigil na ang "pangungulit" sa kanya upang tumakbo bilang bise-presidente ng Pilipinas.

"In two years, wala ka pang... Hindi mo pa magagampanan lahat ng mga pangangailangan [ng Batangas]. Kasi on the third year, hindi mo pa naman mapapakinabangan. Kamukha ngayon, tingnan mo, o... Busy na naman sa mga eleksiyon. 'Yon na ang usapan, imbes na puwede pa kaming magsilbi, di ba? So, very limited. Gusto ko, yung continuity ng mga programang meron pa ako dito sa Batangas," paliwanag niya.

SYMPATHY FOR RODERICK. Sa gitna ng kaarawan ni Vilma, hindi nakalimot makiramay si Vilma sa kaibigang Roderick Paulate na namatayan ng ina noong November 1.

"Tumawag agad siya pagkalabas niya ng kuwarto [ng ospital]... Am praying for the repose of the soul of Mamang, ibigay na natin, kasi tahimik na siya. Pero andito lang kami lahat, Dick, hindi ka nag-iisa diyan and I love you so much," sabi ni Vilma.

LUIS-ANGEL BREAKUP. Last week, nabalitang hiwalay na nga ang anak niyang si Luis Manzano sa naging girlfriend na si Angel Locsin.  Pero bilang ina, tila boto si Vilma kay Angel para sa anak, dahil umaasa pa rin siyang magkabalikan sina Luis at Angel.

Sa kanyang previous TV interviews ay prangkahan nitong inaamin na boto siya for Angel para sa anak. Ngayong kinumpirma na mismo ni Angel last week ang breakup, hopeful pa rin si Vilma.

"I don't usually meddle... Pero I'm just hoping na... Anu't ano man... Nakita ko kasi yung respeto at pagmamahal nila sa isa't isa.  So, I'm still wishing for the best. 

"Angel is such a nice woman," saad pa ng actress-politician.

« Prev  1  2  

Related Articles

30 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name