Kinumpirma ni Ariel Rivera na tuloy na ang pag-migrate nila ng asawang Gelli de Belen at ng kanilang dalawang anak na sina Joaqui at Julio sa Canada in 2015. Ito ang naging pahayag ni Ariel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? noong Martes, January 19.
"With career or not, we will all go to Canada in 2015. Siguro immediately after they finished college, we'll decide whether to come back to the Philippines or live there. Hindi pa namin alam. It's such a long way," sabi niya.
So, five years na lang ang pamamalagi nila sa Pilipinas?
"Yes, five years before we leave... matagal pa naman."
Ariel's parents and siblings are all Canadian citizens. No wonder na ito na ang ikalawang tahanan para sa kanila. Pero bakit nga ba mas gusto nilang dun lumaki ang mga anak nila ni Gelli?
"Well, for obvious advantages in graduating, in finishing school in North America. There are more doors for them. Yung benefit, that's for us basically. But somebody graduating in North America, there's enough reason for advantages in the future. And since we have the privilege, so why not use it?" paliwanag niya.
Ang mga anak daw niya ay mga Canadian citizen na. Tanging si Gelli na lang daw ang hindi so she would have to apply for immigrant status.
Maluwag ba sa loob ni Gelli ang pag-migrate nila sa Canada?
"You know what, our decision comes with a heavy heart. We don't want to leave the Philippines because we love what we do, and at the same time, we love the Philippines. Filipino kami, e. Honestly, I grew up in Canada but I see myself living here and dying here. Kaya lang, you have to look on what's best for the kids. So, we are... sabihin na lang natin that we are sacrificing for our kids talaga," saad ng singer-actor.
Pero uuwi rin ba sila sa Pilipinas o doon na sila talaga maninirahan nang tuluyan sa Canada?
"Dire-diretso habang nag-aaral. But definitely, we have to come back. We also have our families here. Sila Janice, Mommy Susan [sister and mom of Gelli]... Same way we do. Reverse of what we're doing now na sa Canada kami dumadalaw."
Pagdating sa Canada, what are their plans?
"Hindi pa namin alam kasi hindi pa namin alam ang takbo ng mundo in five years. Hindi pa natin alam kung ano ang uso. We have to find out kung ano pa ang hilig naming dalawa in five years. Dun naman magbe-base yun, what we want to do. We're no longer there para lang kumita. That is why we are working so hard. We want to do something there. Whether it's volunteer, something that we want to do na magugustuhan namin."
GELLI'S SIS. Kinumusta rin ng PEP kay Ariel si Gelli ngayong wala na sa ere ang morning show nito with sister Janice de Belen and friend Carmina Villarroel, ang SiS.
"Actually, they felt it's a great run. Eight years is a great run. And they have to face also that they are going to the motion. Every day ba naman... Naka-adjust naman siya. Automatic siya ngayon. Pagdating ng Wednesday, Thursday, gigising nang maaga. Minsan nasa isip niya, 'Honey, ano ba ang gagamitin kong damit? Magsa-shopping kami. A, okey 'to... Ay, wala na nga palang SiS.' Parang ganun."






sobra namang mahal ng tuition fee nyo jan sa California.. ako nakaenroll sa Nursing, ang tuition fee ko ay nasa 7,000 a year lang...
but tama rin mga cnasabi ng mga tao dito. mahirap dito sa north america. kailan magskripisyo tlgala. at mamuhay ng simple pra d ka malubog sa utang.
agree ako na mas mabuti sa pinas n lng ipag-college ang mga bata esp if they are inclined towards healthcare. unless of course dami n ring naipon nina gellie at ariel at afford nila ang tuiton and fees ng mga bata without getting loans. kasi pagnag-loan kawawa mga bata ang tgal pa bago mabayaran.eh yung mga kasamahan ng hubby ko, talagang inggit na inggit sa mg pinoy kasi mas mlaki sweldo sa kanila. kasi nga mga BSN eh cla RN but 2 yrs lang natapos.at may loan pang binabayaran.
anyway, y Jennica ulit TH ang batang yan ung iba nmn GMA na maggaling na di pa nbbigyan ng break!