Tampok sa pinakabagong telenovela ng GMA-7 na Endless Love ang teen actors na sina Kristoffer Martin at Kathryn Bernardo. Sila ang magbibigay-buhay sa mga karakter ng batang Johnny at Jenny, na paglaki ay gagampanan naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Bagamat sa unang linggo lamang ng Endless Love sila mapapanood, inaasahan na magiging simula ito ng mas malalaki at mas marami pang proyekto para kina Kristoffer at Kathryn. Hindi lamang kasi basta-basta ang ginagawang pagbi-buildup sa kanila ng Kapuso network pagdating sa promotion ng tinatampukan nilang programa.
THE NEXT JOSHUA & BARBIE? Marami nga ang nagsasabi na posibleng sila na ang susunod sa mga yapak ng tweeners na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza, na umalagwa nang husto ang career pagkatapos nilang gumanap bilang batang Cholo at Jodi sa Stairway to Heaven, na pinagbidahan naman nina Dingdong at Rhian Ramos.
Kaya ang tanong PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila ay sila na ba ang magiging karibal nina Joshua at Barbie?
Natawa sina Kristoffer at Kathryn sa aming tanong at saka sinabing pareho silang malapit kay Joshua. Magkakasama kasi noon sa Star Magic at ABS-CBN ang tatlong teen stars.
"Sa Kung Fu Kids, para ngang mag-best friend kami [ni Joshua]," sabi ng 15-year-old na si Kristoffer. "So, ayokong competition kasi we work on the same network naman po. Ba't kami magko-compete, di ba? So, ang goal na lang po namin siguro is pasayahin yung mga viewers, paligayahin, ibigay yung kung anong gusto nila."
Incidentally, parehong batang version ni Dingdong ang ginampanang roles nina Kristoffer at Joshua sa mga una nilang proyekto sa GMA-7—si Kristoffer bilang batang Johnny dito sa Endless Love at si Joshua naman bilang batang Cholo sa Stairway To Heaven.
Tuloy, biniro namin si Kristoffer kung sino sa palagay niya ang mas kamukha ni Dingdong.
"Ay, ayokong magyabang! Hindi ko po alam, ayoko pong magsalita sa ganyan," iwas niya.
Pero napagkuwentuhan ba nila ni Joshua ang pagpasok niya sa Kapuso network?
"Sabi niya lang, 'Galingan mo, malay mo magkasama tayo sa trabaho.' Sabi ko na lang po, 'Sige, abangan ko 'yan, I'm looking forward," banggit ni Kristoffer.
Pero gusto ba nina Kristoffer at Kathryn na mangyari rin sa kanila ang nangyayari ngayon kina Joshua at Barbie na nagbibida na sa mga primetime series? Pagkatapos nga ng Stairway to Heaven ay binigyan na ng kanilang sariling serye sina Joshua at Barbie, sa First Time at sa kasalukuyang ipinapalabas na Pilyang Kerubin.
"Siyempre po, gusto namin," sagot ng 14-year-old na si Kathryn. "Pero sabi nga po nila, hangga't wala, hindi pa po kami nag-e-expect."
Ayon naman kay Kristoffer, "Yun din po. Ayokong mag-expect. Mamaya mag-expect kami, tapos wala naman pala. So, siguro ano lang, kung ano lang yung ibigay nila."
THE AUDITION. Bagamat magkasama sila sa Star Magic noon, hindi raw alam nina Kristoffer at Kathryn na pareho silang nag-audition para sa Endless Love.






idol ko na kayong 2.. ang gagaling nio!!
kudos
keep it up and more shows to come
di po nilayasan ng colgate-palmolive ang GMA....
Sponsors pa rin ng GMA ang colgate-palmolive... naawa lang sila sa ABS kaya naglagay uli sila dun ng commercials...
800M+ kinita ng GMA tv stations sa first quarter pa lang compared to 1.4M+ ng ABS which includes filmmakings earnings, ANC, Lyfestyle channel, MYX, Studio 23 earnings, concerts abroad of local talents.... fair ba un? lol!
dapat pag naglabas ng data ang dos e fair and square.. Bakit kelangang isali ang earnings ng sister companies? Para mas mukhang malaki ang kinita over its rival tv network? Read again ABS press release no para ka mahimasmasan!
walkman
June 26, 2010
04:09 AM
quot;Parang bida na rin po kasi yung trato nila sa amin. Kaya sabi ko, parang ayos dito, a. Mas masarap dito, mas masaya dito. Kaya minsan pag nagte-taping ako, ang saya-saya ko.quot;
-kathryn
-------------------------------------------------------
Lol ... Shunga! ung batang lalake ang nag sabi non noh! Nag cut and paste kapa mali nmn yung taong kino-qoute mo! Whaaaa nway maganda nmn cguro ung role ni kat d2 but i think her biggest break as a childstar was super inggo. Nway i saw the preview of magkaribal at magaling din tlga itong bata na ito. More projects to come kat!
agb ba kamu ang pinagbabasehan ng mga advertisers????
eh diba kiniclaim nyo naman na panalo sa agb ratings ang kapuso shows eh ang tanong BAKIT BUMALIK SA ABS ANG COLGATE amp; PALMOLIVE??
di kasi tugma sa mga comment mo ang nangyayari sa totoong buhay eh..parang HOLOGRAM E-FAKE LANG...vow
-kathryn
good luck to endless love... kung galing man kayo sa abs, ok lang. kung dito naman kayo mas mabibigyan ng pansin at pagkilala, di ba?
yun mga pintasero dyan, stick to your shows kung yun ang kinasasaya ninyo. wala naman napigil sa inyo.
Mabuhay ang mg kapuso!
anyway, good luck sa EL
Magkaribal pa rin ako.
Sa TNS kna lang tumingin, panalo lahat ng show ng ABS CBN. Kaya nga ginawang Kantar Media para ma-cover na din ang mega manila, na puro ABS CBN ang panalo.