Ikaapat na primetime series na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Endless Love, ang GMA-7 soap opera na uumpisahan nang ipalabas sa Lunes, June 28. Bago nito, nagtambal sila sa Marimar, Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na pawang naging successful.
Sa tingin ba ni Dingdong, mas naging malalim ang pag-arte ni Marian sa latest nilang series? Mabilis ang tugon niyang, "Oo naman."
Sabi pa niya, "Yung drama, mas maning-mani na sa kanya yun. Pero, mas ko pa siyang na-appreciate sa comedy. Minsan nagugulat na lang ako na ganoon siya. Siyempre, iba ang acting. Iba ang real life."
In real life, comedy rin ba ang girlfriend niya?
"Oo naman, oo naman," nakangiti niyang sabi. "Pero siyempre, iba ang off-cam."
SERIOUS MATTER. May mga nakapansin sa presscon na tila naging seryoso si Dingdong sa pagsagot sa tanong tungkol sa kasal. Was it out of protectiveness sa relationship nila or dahil ayaw niyang ma-preempt kung sakali man?
"Oo, serious palagi naman, e," sabi ni Dingdong. "Iba rin ang atmosphere kanina. Kapag presscon naman ng one-on-one, puwede kong biruin. Pero siyempre, kung bibiruin man, it's something very serious nga. So, kahit ako, hindi ko siya bibiruin. Seryoso ako sa bagay na yun and ako, it's something that I really look forward to sa buhay ng isang tao and I really put value into it.
"Kumbaga, e, ayoko lang din pangunahan ang mga bagay-bagay."
Diretsuhan naming tinanong si Dingdong kung nakikita na ba niya ang sarili sa estadong iyon.
"Kung nakikita, madaling makita, e. Pero, siguro kung ano na lang ang gustong i-achieve bago gawin yun, e marami pa, marami pa. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi pa nakikita."
Well-aware daw si Dingdong na sa showbiz relationships, after na na-build up ito, puwede pa ring mauwi sa paghihiwalay.
"Yes, I've seen it many times. Maaaring hindi sa akin, maaaring sa iba or maaaring sa akin din. It's how you handle it. Ako, I believe naman like in our case, especially the believers, the fans, the GMA production, they played a very big role in putting us together as a tandem. Pero, bukod sa pagiging tandem, malaking bagay rin ang tandem na yun kaya kami naging maayos sa aming mga personal na buhay. So we will never discount that.
"At para sa amin, we give value to that. At siguro, ang isang bagay lang din na pupuwedeng ibalik, to be fair, is for us to be honest whenever na may kailangan silang malaman."
"I DON'T SEE ANY END." Gaano nga ba niya kamahal si Marian?
"Siguro kung sa may itataas, oo. Kailangan siyang tumaas araw-araw. At siguro, if there's one thing na proud ako, magmula noong umpisa, since day one, e, constant naman yung pagtaas ng level ng pagmamahal ko sa kanya.






colme
Kawawa naman to! lol!!
ENDLESS LOVE NA!
I am sure both are serious in their relationship and we can only hope they end up with each other at the altar!
Here is a script from THE BUZZ earlier in which the episode was the last show-up of multimedia actress-host Kris Aquino but not Yap anymore. Kris already confirmed that her marriage with basketball player, James Yap is over. I hope she will be Happy with he decision.
BOY ABUNDA: Krissy, maraming tanong, maraming opinyon, speculations. This is your chance. We will listen. What do you have to say?
KRIS AQUINO: First, Im sorry about Tuesday [engagement in Cebu]. For so long, ilang buwan naman na nagampanan ko ang lahat ng tungkulin ko, lahat ng responsibilidad sa trabaho at sa kampanya kahit na mayroon kaming pinagdadaanan sa tahanan namin. It was a sign of weakness on my part not to show up, and Im sorry about that. Im sorry that you had to be the one to answer because you felt uncomfortable making up an excuse.
About what weve been through, I think naman Boy hindi lahat sikreto sa inyong lahat, ku
para kang asawa ni dingdong susme kung maka-react sobrang apektado...ENDLESS LOVE NA GO GO GO dingdong and marian still the unbeatable and undisputed team-up on and off-screen
Endless love na!
nethmsi
June 27, 2010
13:37 PM hay daming bitter
==============
okay yon pamparami ng comment..