"For me, hindi ko pa rin nararating yung 'Next Big Star.' Nagsisimula pa lang ako para makarating sa sinasabing star. Marami pa po akong pagdadaanan. At alam ko po sa sarili ko na marami pa po akong dapat i-improve at marami pa po akong dapat na matutunan at gusto ko rin naman po yun," says Frencheska Farr.
Frencheska Farr is living up to her title as "The Next Big Star"
Monday, June 28, 2010
10:41 PM
Rating
Kahit hawak-hawak na ni Frencheska Farr ang kanyang tropeyo, tila hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya na siya ang napili ng Gullermo Mendoza Scholarship Foundation, Inc bilang Most Promising Female Singer this year. Kitang-kita ang kaligayahan kay Frencheska habang kinakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa Box-Office Entertainment Awards last week.
"Nanginginig ako! Hindi ako makapaniwala!" bulalas ng 17-year-old singer. "Nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong tumulong sa akin. Hindi ko po akalain na nanalo po ako at mabibigyan po ako ng ganitong kalaking karangalan na ganito po kaaga agad.
"Ang dami pong nangyayari sa akin ngayon. Ang dami pong blessings kaagad ang biglang dumarating. Hindi ko po hiniling na magkaroon ng ganito dahil pakiramdam ko po, sobrang blessed na po ako at grabe na po ang ibinubuhos na blessing sa akin ni Lord.
"Nakaka-overwhelm po talaga at sobrang masaya. Sobrang masaya po ako na halos nakakaiyak na po para sa pamilya ko, na biglaan po lahat ng nangyayari," tuluy-tuloy na sabi ni Frencheska.
Posibleng simula lang ito ng mga pagkilala na puwedeng matanggap ni Frencheska sa kanyang halos kasisimula pa lamang na showbiz career. Last year ay siya ang nanalo sa talent search ng GMA-7 na Are You The Next Big Star?. Pagkatapos nito ay napasama siya sa mga programang SOP at Bandaoke, at ngayon sa Party Pilipinas. Siya rin ang napiling magbida sa first full-length musical film sa Pilipinas na Emir.
"Ako po, pipilitin ko po na simula pa lang ito at marami pa pong dumating dahil gusto ko pong i-achieve sa buhay ko yung maging isang magaling na performer. Hindi lang bilang isang singer kung hindi isang actress din. Gusto ko pong ma-reach ang goal ko na lahat ng tao ay nai-inspire ko sa ginagawa ko at lahat po ng tao ay natutuwa at nai-inspire ko," pahayag ng dalaga.
Dahil sa mga natatanggap niyang karangalan, mas lalo raw natsa-challenge si Frencheska na paghusayan ang kanyang napiling propesyon.
BEST ACTRESS CONTENDER? Bilang baguhan sa larangan ng pag-arte, marami ang napabilib ni Frencheska sa pelikulang Emir. As early as now, may mga nagsasabi nang posible siyang ma-nominate sa mga award-giving bodies next year. Ano ang masasabi niya rito?
"Sa totoo lang po, hindi ko lang po alam kung magkakaroon po ako ng acting award. Pero kahit na wala po akong award para sa Emir, masayang-masaya po ako para sa nangyari sa Emir.
"Ako po, gusto kong i-push ang sarili ko sa pag-arte at pagkanta po. Yung pagkanta ko po, simula bata pa lang po ako, hilig ko na po yun. Pero hindi ko po akalain na magiging actress po ako. So, sa ngayon po, gusto ko pong i-try na maging mas magaling na actress at singer at the same time dahil passion ko na rin po yun," saad niya.
Bagamat na-introduce na siya sa mundo ng pag-arte, kung pamimiliin, ang pagiging singer pa rin daw ang nangngibabaw para sa kanya.
Aniya, "Siyempre po, ang pagiging singer. Do'n po ako lumaki. Simula pagkabata ko, singer na po talaga ang gusto ko paglaki ko. Ito pong acting na 'to, na-discover ko lang po ito nang mapili ako for Emir."
Sa mga nangyayari sa career niya ngayon, napatunayan na hindi nagkamali ang GMA-7 sa pagpili sa kanya bilang The Next Big Star.
Nangiti si Frencheska at sinabing, "Kasi po for me, hindi ko pa rin nararating yung 'Next Big Star.' Nagsisimula pa lang ako para makarating sa sinasabing star. Marami pa po akong pagdadaanan. At alam ko po sa sarili ko na marami pa po akong dapat i-improve at marami pa po akong dapat na matutunan at gusto ko rin naman po yun."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
- Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz not yet back together, according to German Moreno
-
FHM unveils beauty queen Danielle Castaño and former Starstruck avenger Jade Lopez on the cover
- Ruffa Gutierrez is proud of younger brother Raymond's success outside showbiz
- Pen Medina says no to politics: "Hindi ko linya."
- Jennylyn Mercado on Claudine Barretto-Raymart Santiago issue: "Problema ng mag-asawa 'yan, huwag na akong idamay!"
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- Alice Dixson denies separation rumors anew
Advertisement

