features

Willie Revillame welcomes Shalani Soledad as the "heart" of Willing Willie

by Mark Angelo Ching posted on January 20, 2011  STATS: 8934 Views | 166 Comments


Halatang kinakabahan si Shalani Soledad sa unang gabi niya bilang co-host sa Willing Willie

.

Photo By: Noel B. Orsal

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang paglabas ni Shalani Soledad sa Willing Willie bilang pinakabagong co-host ni Willie Revillame.

Nauna nang nabasa dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, October 6, na si Shalani na nga ang bagong host sa primetime game variety show sa TV5.

Mula sa pagiging konsehal ng Valenzuela City, tatawirin na raw ng dating kasintahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mundo ng showbiz.

At ngayong gabi nga ay ipinakilala ni Willie si Shalani sa kanyang mga manonood bilang kasama sa programa. Live ang Willing Willie, at kinukuhanan ito sa Studio A sa main building ng TV5 sa Novaliches.

Ayon kay Willie, si Shalani na ang "heart" o puso ng Willing Willie.

Madaling naging hot topic ang balitang si Shalani na nga ang co-host ng TV5 show. Sa kasalukuyan, kasama pa rin sa Trending Topics ng Twitter ang salitang "Shalani," nagpapatunay na maraming nag-abang sa paglabas niya sa nasabing programa.

Isa sa mga dahilan nito ay ang balitang break na sina Shalani at ang dating kasintahang si Pangulong Aquino. Pinili ni Shalani na manahimik ukol sa nasabing paghihiwalay, kaya naman sabik pa rin ang tao sa kanyang mga TV appearances.

Pangalawa, marami kasing nagsasabing hindi bagay ang mahiyain at soft-spoken na si Shalani na maging co-host sa isang programang naghahatid ng ingay at excitement gabi-gabi.

Nakilala si Shalani bilang kasintahan ni Pangulong Aquino. Noong kampanya para sa pagka-Presidente ng bansa, may mga pagkakataon na kasa-kasama ni Noynoy si Shalani sa ilang mga campaign sorties. Mayroon ding mga pagkakataon na si Shalani mismo ang mag-isang nangangampanya para sa kasintahan.

Hindi bago kay Shalani ang paglabas sa telebisyon. Bago siya sumuong sa mundo ng pulitika, naging field reporter siya para sa UNTelevision. Gayunpaman, wala pa rin siyang karanasan sa pagho-host ng isang game show.

Si Willie naman ay isang kontrobersiyal na TV host. Noong mga nakaraang buwan ay madalas siya sa balita dahil sa pag-alis niya mula sa ABS-CBN, ang network na nagbigay sa kanya ng break sa pamamagitan ng noontime show na Wowowee.

Ang Willing Willie ay kahalintulad lamang ng Wowowee—pareho itong game show na ang hangarin umano ay tulungan at mapasaya ang mga mahirap na Pilipino.

PAGPAPAKILALA KAY SHALANI. Sa ganap na 6:45 p.m. ay naglakad si Willie sa gitna ng stage upang simulan ang pagpapakilala sa bagong co-host. Madilim ang studio at tahimik ang audience—lahat ng ito para mapataas ang drama ng programa.

Malumanay ang boses ni Willie habang nagsasalita.

"Magandang gabi po sa Luzon, Visayas at Mindanao, sa inyong lahat. Magandang-magandang gabi. Ngayong gabi po, hindi na ako mag-iisa sa pagbibigay ng lingkod sa inyong lahat. Yung programang Willing Willie e programa po ito ng bawat Pilipino.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

166 Comments

  • 166  lifeditoca

    01/24/2011 | 09:52 AM
    korek! sa likod ng ganda ng babaeng eto eh me nakatagong kahibangan! abangan na lang natin! silent water runs deep...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 165  konsensyabudhi

    11/12/2010 | 10:41 PM
    anuman yan,,anumang rason nya bakit sya nag showbiz ay hindi padin swak sa nakakarami,,,medyo tatagilid ang political career nya yan,,mas gusto kase ng tao yung simple humble at pribadong shalani na baka mas mataas pa sa councilor ang maabot nya,,now?dahil nasa showbiz na sya,,50-50 sya,,its tym for moving on sa kanila ni PNOY,,presidente si pnoy,we must respect him!siguro kung radio program o broadcasting,mas ok pa sa tao na makita si shalani s apublic service pero sa hoting na ganito at kasama pa si wilie na sira at walang credibilidad sa tao,,naku po!tlagang nega ang magiging dating ni shalani sa tao,,sana pumili sya na along wid her political career,itong hosting na ganyan,,pashowbiz e,.sana di sya masira sa showbiz etc,,gudluck at mas kilalanin mo pa si god..yun na,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 164  ehemm

    11/11/2010 | 01:18 PM
    mas marunong pa sila kay shalani lols. the way these people talk, wow, they are so perfect and such perfect lives they lead lols

    smile pa, shalani, and show them how beautiful you are para lalo silang mainsecure lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 163  shazam08

    11/11/2010 | 09:16 AM
    too bad, i liked shalani nung low profile pa sya. she could have chosen a better program to be part of kung gusto nya talagang makatulong sa mga tao. hindi si willie ang top choice na dapat makasama if you want to help other people...i find him condescending and plastic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  konsensyabudhi

    11/11/2010 | 07:07 AM
    about kay wilie,,taob padinang show na ito sa mga news program,,natural lang dapat manood ang pinoy ng news noh,,,kesa sa show ni wilie na ito,,he just using the pipol na walang alam din,,e,hindi naman pera ni wilie ang pinamimigay nya pera ng tv5 iyan,,natural,galingan ni wilie na mang uto ng tao na uto uto para magustuhan sya,,wahahah...pinepeke nalang sya ng tao,,sabagay ,hindi magdadalawang isip sibakin ng tv5 si wilie kapag may nilabag syang rules sa tv5 gaya ng panliligaw sa kasama sa work,,whahaha,,at ang pagdala sa ugali nya noon s aabscbn..lets see,,gudluck din,,magtrabaho kase ng proffesional,,at ayusin ni wilie buhay nya at sarili,mga anak nya,,at relasyon sa dyos,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  konsensyabudhi

    11/11/2010 | 07:03 AM
    alam nyo po,,ok naman po si PNOY AT SHALANI o mga aquinos,,walang isyu sa kanila,,kayo lang ang may isyu kase makikitid mga utak nyo jan,,walang problema between noy at shalani,.they broke up nicely,,ok,,saka,,shalani treat showbiz,as a work lang,,bilang profesional,,kaya lang namemeligro naman ang political career nya sa pagpasok sa showbiz,ayaw kase ng tao ng ganyan,biglang naging showbiz komo nakilala na gf ni pnoy,,wahahaha,kakatawa nga naman,,well,.lets see,,san sya dadalhin ng showbiz,,di naman lahat pweding sumikat e,,e bagay lang sa kanya hosting o broadcasting,,yun lang,,gudluck nalang,,at lets all moving on ok,,wag ng magpakashowbiz,,GOD IS SUPREME..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  konsensyabudhi

    11/11/2010 | 06:58 AM
    masasabi ko lang kay shalani,,sige lang,,lets see san ka dadalhin ng showbiz iha,,baka iyan ang ikasira mo o ng political career mo,madaming mas gusto ang dating shalani na wala sa showbiz,,sabagay,matalinong babae si shalani,may takot din s adyos at decent na babae.sa mga nagsasabing magpapauto sya kay wilie,,una,,hindi po papayagan ng tv5 ang ganung eksena na ligawan gaya ng nangyari kay mariel at robin sa 2,.sisibakin agad sila,proffesional po ang tv5 kesa sa gma at abscbn..ikalawa,.hindi po si shalani ang tipo ng babae na nagpapauto sa isang wilie,she accepted the hosting as a work hindi anupaman,,na ni refused ni VENUS RAJ kase nga sira ang crediblidad ni wilie,.na ewan ko ba bakit tinanggap ni shalani ito,sa hosting o public service lang bagay si shalani at hindi sa acting,,nakikita ko na nega ang dating ni shalani sa showbiz,,wag lang syang pasisira,.kundi lahata walis sa kanya maging ang political career nya,wahahah,,,gudluck,,lets see..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  crazy_beautiful

    11/10/2010 | 10:14 PM
    PEP, i-feature naman ninyo ang cast ng ALL ABOUT ADAM. Successful kaya ang tv movie pilot nito which was aired on October 31 sa IBC 13. Marami nanood at ako, kahit nanonood ako ng 2011 sa HBO, sinilip ko, pero hindi ko na nabalikan yung HBO kasi napatutok talaga ako sa ALL ABOUT ADAM. ang galing ng mga artista kahit mga baguhan at very fresh ang mga actors, at iba ang plot nito. ibang iba sa mga usual pinoy teleseryes na nakakaumay na. PEP should be the first one to feature this show. more power and hope to read an article of ALL ABOUT ADAM.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  gigi4498

    11/10/2010 | 09:47 PM
    ang ganda pala ni shalani. kung ako ke shalani, dapat wag syang papatol ke willie, pagtatawanan lang sya ni kris at pnoy. dapat si james yap ang patulan nya. nakaganti na sya ke pnoy, pati ke kris makakaganti na sya sa pagsasabi na ayaw sa kanya.
    sweet as my revenge diba shalani.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  i_am_dwyane16

    11/10/2010 | 07:40 PM
    mark my word for Willie: S-A-M-A-L!! di ka nagbago, babaero ka..manyak pa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  babymendoza1

    11/10/2010 | 03:04 PM
    Walang magagawa kung gusto talaga ni Shalani na sumanib sa teritoryo ni Willie. Yun ang talaga gusto niya. Kaya lang ingat ka Ms. Shalani. Baka daanin ka sa pa-charming ni Willie eh masungkit ka.Sobra ang ganda mo para kay Willie na walang moralidad. Ingat ka lang at wag ka masyadong lalapit sa kanya. Baka malingat ka e ma-tiyansingan ka niya. Mahilig yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  my_sayad

    11/10/2010 | 01:25 PM
    i think that behind this angelic face of shalani, somthing bad lurks na hindi nagustuhan ni noynoy. if she is that pure angel, noynoy wont let her go. pero, may masamang ugali rin itong si shalani that noynoy found out that he cant tolerate kung married na sila. kaya ang sagot ni shalani, she thanked noynoy for not saying anything in public about their relationship because that will be detrimental to her image.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  catalina

    11/10/2010 | 11:13 AM
    in fairness, maganda si shalani kahit hindi masyadong inaayusan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  wanna_change

    11/10/2010 | 09:30 AM
    ang ganda ng showbiz ng pinoy, wala sa ayos. hahahaha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  kalamayhati

    11/10/2010 | 06:40 AM
    Ang galing ng ginawang pang therapy ni shalani bambalani sumama sa gameshow para mawala sa isip nya c vokal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  catalina

    11/10/2010 | 06:30 AM
    shalani, bakit di ka na lang mag-host ng show na kapareho ng kapwa ko mahal ko? nakilala si orly mercado show na yun, at nanalo sa senado noon dahil sa dami ng naabot ng show na tunay na maraming natulungang tao. hindi yung pinaiiyak at pinamu-mukhang kawawa sa tv katumbas na pera. okay lang ang showbiz as long as you associate yourself with projects that will yield positive results and align with your political principles...except lang kung parehas talaga kayo ni wili hambog, naitatago lang siguro ng pagiging mahinhin mong itsura…wag naman sana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  catalina

    11/10/2010 | 06:29 AM
    so hindi na pala si venus raj. good for her. as for shalani, tingnan niyo, liligawan yan ni willie...mamaya diyan me mga bulung-bulungan na o di kaya mga blind item na nagkaka-mabutihan na yung dalawang hosts ng isang show. nakupo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  mai_chan

    11/10/2010 | 05:55 AM
    ginamit ng mga aquino si shalani, kaya dapat lang gamitin din niya yung daan para maabot niya pangarap niya! kaya go and fight Ms. Shalani!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  kiwis13

    11/10/2010 | 03:59 AM
    ginamit mo pa si shalalani,, sabi ni willie yabang ang programa daw niya ay nag bibigay ng pag asa sa bawat pilipino, ginawa ni willie ang pinoy na walang pag asa sa buhay pero siya ang yumayaman loko no..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  lyka25

    11/10/2010 | 03:31 AM
    Infairness bagay pagsamahin si Willie and Shalani ksi pilyo si Willie si Shalani mahinhin na mabait parang si Sarah Geronimo like ko siya, heard next year may TFC na ang T.V 5 GOOD PARA mapanaood namin ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About