Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz not yet back together, according to German Moreno

John Fontanilla
Friday, February 10, 2012 @ 08:45PM  |  1447 views


  German Moreno on reported reconciliation of John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao (in photo): "Katulad ng sabi noon ni Shaina, hindi naman niya sinasarado yung posibilidad na maging okey sila ulit ni John Lloyd, lalo na't pag nakita nito na nagbago na si John Lloyd. Pero hindi pa daw ngayon yun. Sa dami kasi ng pinagdaanan ni Shaina habang tumatakbo yung relasyon nila ni John Lloyd, hindi ganun kabilis na magdesisyon na okey na ulit. Bahala na daw ang panahon...kung magiging okey sila ulit, yun ang mangyayari."

Photo By: Noel Orsal













Itinanggi ni German "Kuya Germs" Moreno ang report na nagkabalikan na diumano sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nakita raw kasi ang dalawa na magkasamang nanood ng concert ni Jed Madela, at ng musical play na The Little Mermaid kunsaan tampok sina Rachelle Ann Go at Erik Santos.

Ayon sa kuwento ni Kuya Germs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nung makarating sa kanya ang balita, kaagad niyang tinanong si Shaina kung totoong magkasama nga sila ni John Lloyd at kung nagkabalikan na sila.

Pero mariin daw itong pinabulaanan ni Shaina sa kanya.

Si Kuya Germs ay malapit sa pamilya ni Shaina, na itinuturing na ring anak-anakan ng Master Showman.

Ang nakatatandang kapatid ng young actress na si Vina Morales ay miyembro noon ng youth-oriented show ni Kuya Germs na That's Entertainment.

 

Ang isa naman nilang kapatid na si Sheila Magdayao ay asawa ng anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

Ayon kay Kuya Germs, "Ang dami nang nagtatanong sa akin tungkol diyan na kesyo nga daw nakitang magkasama si Shaina at John Lloyd, kaya naman marami ang nagsabi na baka nga daw nagkabalikan na yung dalawa.

"Yung iba tumatawag, yung iba naman text nang text.

"Kaya naman tinawagan ko kaagad si Shaina para itanong kung totoo bang nakitang magkasama na naman sila at kung nagkabalikan na sila [ni John Lloyd].

"Sabi sa akin ni Shaina, totoo nga daw na nagkasama sila, pero hindi lang naman daw sila.

"Marami daw sila na puro taga-ABS-CBN dahil may invitation sila na manonood ng Little Mermaid.

"Pero hindi naman daw porke't sabay silang nanonood, e, may balikan na daw na nagaganap, dahil wala naman daw talaga.

"Yun ang sabi ni Shaina."

Dagdag pa ni Kuya Germs, "Kung sabagay, hindi naman siguro masamang mapagkikita silang magkasama dahil maganda naman at nakapag-usap naman sila bago naghiwalay.

"Wala rin namang masama kung maging magkaibigan sila ulit, di ba, dahil may pinagsamahan naman sila.

1  2  Next »

Related Articles

30 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name