Rhian Ramos reunites with Dingdong Dantes in a new soap; teams up anew with Aljur Abrenica in a Valentine movie

Ruben Marasigan
Thursday, February 16, 2012 @ 06:11PM  |  221 views


  Rhian Ramos will be very busy in the coming weeks as she begins taping for her primetime series with Dingdong Dantes and her Valentine movie with Aljur Abrenica.

Photo By: Noel Orsal













Kasado na ang bagong teleseryeng pagtatambalang muli nina Rhian Ramos at Dingdong Dantes sa GMA-7; ito ay may working title na Sundo.

Ibang-iba raw ito kung ikukumpara sa Stairway To Heaven na nauna nilang pinagsamahan.

Kuwento ni Rhian, "Wala pang final title. Pero sa story, si Dingdong ang tagasundo ng mga dapat nang mamatay. Siya 'yong angel of death in other words."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa dressing room ng Manny Many Prizes sa GMA Network Studios noong Sabado, September 17.

Patuloy niya, "And uhm... isa akong mortal. Tapos magsisimula 'yong conflict kapag na-in love na si Dingdong sa mortal na dapat mamamatay na.

"Na-in love siya. Parang naawa siya. So, pinigil niya. Hindi niya ako hinayaang mamatay."

Nakapag-workshop na raw sila ni Dingdong. At naikuwento nga ni Rhian kung anu-anong exercises ang ipinagawa sa kanilang dalawa.

"May mga... kailangang mag-establish ng connection na hindi nagsasalita. 'Yong maiintindihan ng lahat kung ano 'yong iniisip namin, gano'n.

"Tapos, may mga exercises din na parang catching and throwing ng balls na we have to catch and throw them.

"Na parang it teaches us na... hindi dapat nilalabanan kasi mahirap i-catch 'yong ball kapag pasalubong ang pagsalo mo. 

"Dapat susundan mo 'yong flow ng ball," sabi ni Rhian, na ang ibig niyang sabihin ay paatras ang kamay sa pagsalo ng bola.

Pahabol pa niya, "Maganda 'yong story.  It's about supernatural na drama na love story."

May kissing scene kaya sila ni Dingdong sa serye nila?

"So far, wala pang sinasabi sa amin," sabi niya.

"Hindi ko alam. Wala pa akong script na gano'n ka-far. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name