Si Katrina Halili ay minsan na rin dumaan sa isang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan. Hindi maiiwasang mahingan siya ng reaksiyon sa isyu na kinasasangkutan ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos. Kasalukuyang umiikot sa Internet ang isang video diary ng ex-boyfriend ni Rhian na si Mo Twister na may masasamang alegasyon. Katrina says: "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin? Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?"

Photo: Noel Orsal

 Aniya,  "Basta last year ng November lang ako naging okay. Na hindi na ako negative. Parang positive na ko. 

"Tulala nga, e. Parang wala ka lang iniisip. Nasa taping ako, nasa kotse lang ako. 

"Kapag take ko lang ako lalabas.  Simula lang noong November ako naging okay na lumalabas na ako, nakikipag-usap na ako. Beauty Queen lang."

Si Katrina na rin mismo ang nag-share kung ano raw sa tingin niya ang nakatulong sa kanya na naging okay na siya.

Ayon kay Kat, "Hindi ko alam. Bigla na lang akong napunta sa astrology.

"Surf-surf lang ako. Biglang na-curious lang ako, paano babasahin ang mga tao? Ah, ganito pala 'yan. 

"Kapag sa susunod may makikilala ako, ano ang birthday mo?  Ay, hindi tayo compatible...

"Simula noong mabasa kong buo, wala na, naintindihan ko na ang lahat ng tao.

"Nakasulat kaya ro'n ang personality natin. As in, lahat."

Pero paglilinaw rin niya, "Ako naman, wala naman akong sinasabi na maganda 'yan o hindi.

"Ako lang, nagiging tuwid naman ang buhay ko pati pag-iisip ko, pakikitungo ko sa tao. 

"At saka, wala namang sinasabi na maging ganito ka, ganyan."

Hindi rin daw siya naka-depende sa kung ano ang sinasabi ng astrology sa pakikitungo niya sa tao.

"Hindi po.  Tinatanong niyo kung paano ako nagbago, e, 'yun po ang nangyari sa akin. 

"At saka, hindi naman po ako nagpipilit sa inyo.