Mr. Julius Manahan, father of Janelle Manahan (in photo), refuses to confirm or deny the claim of the Revilla family's spokesperson that the Revillas are shouldering the medical expenses of Ramgen Revilla's girlfriend. Janelle sucessfully underwent an operation to fix her facial fractures.

Photo: File photo

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Portia Ilagan, spokesperson ng mag-amang former Senator Ramon at Senator Bong Revilla, noong Linggo, November 6, sinabi nitong sagot ng pamilya Revilla ang lahat ng gastusin ni Janelle Manahan sa ospital.

Si Janelle ang kasama ng boyfriend niyang si Ramgen Revilla nang pinaslang ang aktor noong gabi ng Oktubre 28, Biyernes.

Kasalukuyang nasa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa, si Janelle dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata at sa kanang balikat.

Tinatayang nadamay na lang ito sa nangyaring pamamaril at pagpatay kay Ramgen.

Ayon kay Portia, "Yes, they [Revilla family] are the ones paying for everything.

"Lahat ng gastos ni Janelle Manahan sa Asian Medical Center ay under kina Ramon Revilla Sr. and Sen. Bong Revilla Jr."

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman ikinagulat ng PEP ang naging tugon ni Julius Manahan, ama ni Janelle, sa live interview ng Aksyon, ang early primetime news program ng TV5, noong Lunes, November 7, nang pumunta ang tanong tungkol sa gastusin ng anak.

Tinanong ng Aksyon anchor na si Erwin Tulfo kung meron na bang nag-alok ng tulong para sa malaking gastusing medikal ni Janelle. Gaya raw ng nanay ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay o sinuman sa pamilya ni dating Senator Ramon Revilla, Sr.

Walang tinukoy na tiyak na pangalan si Mr. Manahan.

Ayon sa ama ni Janelle: "Wala pa pong pormal na napag-uusapan o tulong man.

"As of now po, e, kami-kami lang po muna ang nag-uusap-usap.

"And the reason why we're here sa Asian Hospital po siguro is because of that one person na tumutulong din po sa amin."

Hindi malinaw kung ang tinutukoy na "that one person" ay may kaugnayan sa pamilya Revilla.