Nova Villa was discovered by no less than the late King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. At age 18, she signed a contract with his production outfit. But was their relationship more than just a talent-manager thing?

Photo: Rommel R. Llanes

"Hindi totoo... Not true!" sagot agad ni Nova.

Aware daw siya noon na may ganoong tsismis tungkol sa kanya. Pinili na lang niya at ni FPJ na tumahimik tungkol dito. Paggalang na rin daw kay FPJ bilang kanyang boss.  

"Under contract ako, e, sa FPJ.  Boss ko siya. So, anything na may ganyan may rumor, if possible, umiiwas ako. Dahil artista n'ya ako, e. Di ba kapag boss mo, magsasalita ka ba against sa boss mo, kumbaga?"

So, isa ba siya sa pinagselosan ng misis ni FPJ na si Susan Roces?

"Ayaw ko na niyan. Friend ko si Susan,. Ano na 'yun, lumipas na 'yun."

Nagkita na ba sila ni Susan sa ABS-CBN?

"Oo, magkasama kami lagi. Meron kaming samahan. Naggi-guest ako sa show niya noon. Nung sila ni Dolphy."

Okey ba naman sila ni Tita Swanie?

"Oo, we're very good friends."

HER REAL LOVES. Pero nagkaroon ba siya talaga ng anak?

 "Meron, isa lang, babae. Nasa States siya ngayon. May asawa na siya. May apat na akong apo. Ako, matagal na akong married. Never akong nahiwalay. Hindi siya artista. Happily married ako until now since 1972. His name is Freddie Gallegos from Baler, Quezon. He's a very private person."

Paminsan-minsan ay sinasamahan siya ng mister niyang si Freddie sa mga showbiz functions, lalo na ngayong retirado na ito mula sa maraming taon ng pagtatrabaho sa kumpanya ng Petron bilang isang supervisor.

Incidentally, natsismis din noon si Nova sa leading man niya sa 1980s TV show niyang Chicks-To-Chicks. Kapangalan kasi ng real life husband niya ang onscreen husband niyang si Freddie Webb.

ONE OF HER GREATEST LOVES. Nasa States daw siya noon kasama ang kanyang pamilya nang mabalitaan niyang namatay na si Fernando Poe, Jr. "Hay, namatay na si Rannie!" unang reaksyon niya raw.

Dinalaw na ba niya ang puntod nito?