Dennis Trillo on latest movie role: "Bukod sa unang beses kong gumawa ng ganitong role, na former call boy turned gym instructor, okay siya kasi parang napaka-interesting niyang gawin. At the same time, parang marami kang puwedeng pag-eksperimentuhan sa character na gigolo naman ngayon. Dati kasi, parang normal lang na asawa. Ngayon, parang makulay at interesting."

Photo: Rose Garcia

Isa na namang kakaibang karakter ang gagampanan ni Dennis Trillo sa Metro Manila Film Festival 2011 entry ng Regal Entertainment, Inc.—ang Yesterday Today Tomorrow.

Kuwento ni Dennis sa kanyang role: "Isa akong gym instructor dito, pero meron akong nakaraan dito.

"Isa akong callboy, macho dancer sa gay bar. 

"Meron akong lover dito. Hindi siya gay, pero parang sugar mommy ko siya—si Agot Isidro.

"And then, may mangyayari na parang aksidente sa buhay ng cast na magpapabago sa takbo ng buhay nila. 

"Dahil sa earthquake, makikilala ko si Solenn [Heussaff], at mag-ina sila ni Agot dito. 

"So, yun, parang tinuhog ko silang dalawa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling press si Dennis sa pictorial ng Yesterday Today Tomorrow noong Linggo, November 13.

Mapapanood ba sa movie ang mga eksenang macho dancer siya?

"Ewan ko. Tingnan n'yo na lang!" natatawang sabi ng young actor.

Pero handa naman siya sakaling maisipang kuhanan ang eksenang nagma-macho dancing nga siya?

"Nagawa ko naman na yun dati," aniya.

Ang tinutukoy ni Dennis ay ang isang eksena sa dating afternoon soap ng GMA-7 na Magdusa Ka, kung saan nag-macho dancing siya sa harap ni Katrina Halili.

Bagamat wala siyang pantaas sa eksenang yun ay naka-maong pants naman siya.

Pero ayon kay Dennis, masaya siya sa role na napunta sa kanya sa Yesterday Today Tomorrow.