Young actor Paulo Avelino moves up to leading-man status via the upcoming GMA-7 afternoon drama series Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, where he is paired with Jennica Garcia.
Paulo Avelino admits he almost courted Jennica Garcia
Friday, January 22, 2010
10:15 PM
Rating
Sunud-sunod ang magagandang projects ngayon ng StarStruck 4 Avenger na si Paulo Avelino. Natutuwa nga ang young actor dahil nabibigyan na siya ng magandang break in both acting and hosting ng GMA-7.
"I feel so blessed kasi sunud-sunod na ang mga projects natin. Unlike noon, naghihintay lang talaga ako. Pinaka-exposure ko lang noon ay yung segment namin nina Chariz Solomon at Jan Manual sa Startalk, 'Struck Attack.' Ngayon, nabibigyan na ako ng chance to host tulad sa Starstruck Shout Out, at nabigyan na rin ako ng magagandang roles sa TV dramas. I'm really thankful at sana tuluy-tuloy na ito. Huwag silang magsawa sa akin," nakangiting sabi ni Paulo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Pagkatapos niyang maging "third party" sa tambalang Kris Bernal at Aljur Abrenica sa Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, ngayon ay leading man na siya ni Jennica Garcia sa Sine Novela na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.
Ayon kay Paulo, isa ito sa biggest break na ibinigay sa kanya ng Kapuso network. Marami naman daw puwedeng kuning leading man for Jennica, pero siya ang napili ng management upang gumanap sa role na unang ginampanan ni Mark Gil sa original 1985 movie version nito.
"Hindi ko rin naman ini-expect na sa akin nila ibibigay ang role as Jennica's leading man," sabi niya. "Kaya natuwa nga ako when they said na ako ang napili to be her partner. Parang ang laking break nito for me considering na puro bsnvupporting roles ang nabibigay sa akin in the past, tulad sa Boys Nxt Door, Zaido, Babangon Ako't Dudurugin Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan, and Luna Mystika.
"Tapos, napunta ako sa love triangle with Aljur and Kris. Ngayon, ginawa na akong partner ni Jennica. Alam ko naman na may mga pinagpilian sila, pero thankful talaga ako at ako ang naging final choice nila."
JENNICA GARCIA & LJ REYES. Speaking of Jennica, naging close sila nito noong gawin nila ang isang episode for Dear Friend last year. Inamin din naman ni Paulo na muntik na niyang ligawan si Jennica that time. Pero may mga pangyayari raw na pumigil sa kanya para ituloy ang panliligaw sa dalaga.
"Aaminin ko na na-attract ako kay Jennica noong mga panahon na 'yon," sabi niya. "Maganda siya and she's very mabait. Kaya sino ba namang lalake ang hindi magpu-fall for Jennica, di ba? That time naman kasi, matagal na silang wala ni Mart [Escudero, Paulo's batchmate in StarStruck] kaya mukhang okey naman siguro kung manligaw ako."
Dagdag ni Paulo, "Pero may mga pangyayari nga that prevented me from pursuing Jennica. So I decided na huwag nang ituloy ang panliligaw ko kay Jennica. Out of respect na lang sa nakapaligid sa amin. But kami naman ni Jen, we're okay and we're friends naman. Hindi naman siguro siya papayag na maka-partner ako kung hindi kami okey."
May kinalaman kaya si Mart at ang nababalitang girlfriend ni Paulo na si LJ Reyes sa hindi niya pagtuloy na ligawan si Jennica? Magkakasama sina Paulo, Jennica at LJ sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.
"Si Mart, kaibigan ko 'yan. Siguro nga nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin, pero wala naman siyang sinabi sa akin na huwag kong ligawan si Jen. It's just that I respect our friendship na nabuo noong StarStruck days pa namin.
"With LJ naman, hindi ko naman siya girlfriend, e. Tulad nga kay Jennica, we're good friends. We're close, but never ko pa rin naman siya nililigawan. 'Tsaka magbarkada sila ni Jennica," saad ni Paulo.
Ngayong magkatambal na sila sa isang soap, kakayanin kaya ni Paulo na hindi ma-develop ulit siya kay Jennica?
"Wala akong ipinapangako na hindi ako made-develop sa kanya!" sabay tawa niya. "Hindi ko alam... bahala na kung ano ang mangyari. Sa ngayon, gusto ko ang pagkakaibigan namin ni Jennica. And I look forward to working with her."
JEAN GARCIA. Pero kailan lang din ay na-link ang pangalan ni Paulo sa ina ni Jennica na si Jean Garcia. Paliwanag ni Paulo, may nasabi lang siyang maganda tungkol kay Jean sa isang interview. Bilib raw siya kung paano alagaan ni Jean ang kanyang sarili dahil ang bata-bata pa raw nitong tingnan despite her age. Kung titingnan daw ay parang magkapatid lang sila ng anak nitong si Jennica.
"I was just honest in saying na puwede pa si Ms. Jean," paliwanag ni Paulo. "She does not look her age. Pero I said it na walang malisya kasi I have high respect for Ms. Jean. Nahihiya nga ako kay Ms. Jean kasi noong lumabas 'yon, parang iba ang meaning sa iba. Kaya sobra akong nahihiya tuloy sa kanya."
Pero si Paulo ba ang tipo ng lalake na gustong sumubok na makipagrelasyon sa isang babae na mas may edad sa kanya?
"May mga friends ako na nagkaroon na ng experience sa mga older women. Tawag nga nila cougars, di ba? Wala naman daw masama. No commitment naman daw. I don't know, siguro for the sake na maka-experience lang. Kung meron, why not? Kung wala naman, hindi ko 'yon hahanapin," sagot niya.
- Paulo Avelino moves to ABS-CBN to reinvent himself
- First-time dad Paulo Avelino talks about his son Ethan Akio
- Paulo Avelino is willing to pose nude in pictorial
- Paulo Avelino dumbstruck with joy on seeing his son for the first time
- LJ Reyes and Paulo Avelino still adjusting to new role as first-time parents
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
- AJ Rafael looks back at his YouTube journey
- UPDATED Joey de Leon gets emotional as Eat Bulaga! launches book chronicling its first 30 years
- Nora Aunor and Kuya Germs wax nostalgic about Superstar's place in local showbiz history; Nora acknowledges debt of gratitude to fans
- Aiza Seguerra reveals greatest frustration about local music industry; recalls rooting for Charice when the now-international sensation joined a local talent search and lost
- Gelli de Belen takes a stroll down memory lane as she returns to former studio of Tropang Trumpo
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
Music
The MYX Music Awards will take place on March 13 at the Music Museum with a '70s-OPM-themed event.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
Advertisement

