Gelli de Belen takes a stroll down memory lane as she returns to former studio of Tropang Trumpo

Glen P. Sibonga
Monday, January 09, 2012 @ 06:12PM  |  3005 views


  Gelli de Belen on her return to TV5: "You know, I'm relatively new. Wala pa nga akong isang buwan sa TV5. Talagang nakikiramdam pa ako. But so far, they've been very friendly. They've been very accommodating. Wala akong problema. Bongga!"

Photo By: Glen P. Sibonga













Tila nag-flashback si Gelli de Belen sa muli niyang pagtuntong sa Studio B ng TV5 kahapon, October 16, para sa live guesting niya sa Paparazzi Showbiz Exposed.

May labing-walong taon na rin kasi nang huli siyang makapag-taping sa naturang studio para sa gag show na Tropang Trumpo.

"Alam n'yo ba na ang Tropang Trumpo ay sa studio na ito mismo?

"Diyan kami nagba-'Battle of the Brainless.' Dito kami nagsasayaw ng 'Chicken.'

"It's nice to be here. I'm happy to be here bilang isang Kapatid na rin. I am back here at Channel 5.

"Alam n'yo pagdating ko dito, nag-flashback ako.

"Sabi ko, 'Uy, nandiyan pa yung cashier!' Bakit ganito na yung lobby?'

"Tapos 'eto na, pagpasok ko rito, 'eto na ang studio.

"And I'm so happy!" sabi ni Gelli sa kanyang homecoming.

CERTIFIED KAPATID. Isa-isang hinarap ni Gelli ang mga tanong, hindi lang ng mga host ng Paparazzi na sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Mo Twister, at Zoren Legaspi, kundi pati ng mga guest reporter para sa "Presscon Express" segment.

Marami na ang nagtatanong noon sa kanya kung totoong lilipat siya sa TV5, pero wala siyang kinumpirma at naging tahimik lang siya. Kaya naman ang unang tanong kay Gelli ay kung bakit natagalan bago niya inihayag ang tungkol sa paglipat niya sa TV5.

"E, kasi, hindi pa kami pumipirma noon, e. Noong pumirma kami, nag-start na kami kagaad. Mabilis.

"Siguro matagal yung pagplano, matagal yung usapan. And then finally, when both parties agreed to it, we started right away.

"Actually, parang ibig sabihin nila, 'Halika na, mag-usap na tayo kung ano ang gagawin natin kay Gelli.'

"Tapos ayun na kaagad. Agad-agad," sabi niya.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name