Naka-one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang child star turned singer-recording artist na si Aiza Seguerra, sa Fior Cafe, Timog Avenue, Quezon City.
Ito ay upang i-promote ang bagong concert nila ni Cooky Chua, ang Love Jazztified, na gaganapin sa October 7, Biyernes, sa Music Museum.
Si Calvin Neria ang direktor at si Mike Villegas ang musical director.
Ito ay produced ng Greenlights Events and Productions, na nagdala sa bansa ng K-pop superstars Heo Young Saeng and Kim Kyu Jong ng sikat na SS501, noong February sa PICC.
Ang Love Jazztified ay first-ever collaboration onstage ng magagaling na singers na sina Aiza at Cooky.
Kuwento ni Aiza, "Kadarating lang namin from our series of shows in the States kasama ang Sessionistas, and it was a success.
"And now, excited ako dahil bago naman ang gagawin ko with my concert with Cooky sa Friday sa Music Museum. It's jazz and blues.
"First major concert ko rin ito for 2011, kaya I'm so excited.
"At first time ko nga to have a concert with Cooky, na isa sa mga magagaling nating singers."
Kabilang daw sa repertoire nila para sa concert ang mga jazz favorites gaya ng "I'll Be Seeing You," "Someone To Watch Over Me," "Power of Two," at "Crazy Thing Called Love."
DOWN AND OUT. Nagsimula si Aiza bilang child superstar, at ngayo'y halos 25 taon na pala ito sa industriya.
Kumita ang kanyang Regal movies, patok siya sa Eat Bulaga! nang maraming taon, umabot siya sa awkward stage ng kabataan, at naging totoo sa sarili sa kanyang sexual preference, na tinanggap naman ng publiko.
Pero dumating ang point na nawala sa sirkulasyon si Aiza ng ilang taon.
Ano ang naramdaman niya noong "down" ang kanyang showbiz career?
"Noong nawala ako, nakakababa talaga ng confidence level.




0

